Biyernes, Hulyo 12, 2013

Mga Paru-Parong Ligaw 2

Tatlong taon na simula ng mawala si Kuya Jooper. Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin natatagpuan kahit ang katawan man lamang nya. Nuong mga unang taon, agad agad kaming sumusugod ni Tyang Mely tuwing may nababalitang may nakikitang katawan ng isang salvage victim. Hindi naman sa inaassume namin na nasalvage si kuya, pero wala kaming choice. Kailangan naming manigurado.Ngunit wala, wala ni isa sa mga pinuntahan namin ang positibo. 
Nagsawa na rin kami sa kakasugod sa mga salvage sites. Pinagpaubaya na lang namin sa Poong Maykapal ang kalagayan ni Kuya. Malungkot. Napakalungkot. Hanggang ngayon ay ipinagdarasal ko pa rin na sana ay buhay sya, kahit alam kong maaring imposible na. Umaasa akong isang araw ay kakatok siya sa bahay na parang kahapon lamang. 

------------------------------------------------------------------ 

"REM GISING NA UMAGA NA!!!!"

"KLANG KLANG KLANG"
 

Napabalikwas ako sa katre sa lakas ng sirena ni Tyang Mely. Nakapamewang siya at nakamulagat sakin habang tangan tangan sa kanang kamay ang kawaling ulingin at sa kaliwang kamay naman ang mahiwagang sandok. 

"Tyang naman ang aga-aga nambubulahaw ng mga kapitbahay" sabi ko sabay kamot sa ulo. Lulugo lugo pa ang mata ko. 

"Aba't nakalimutan mo yatang may lakad ka ngayon?" sigaw ni Tyang habang pababa ng hagdanan. "Ang kabilinbilinan mo'y magaapply ka ***** ng trabaho kaya nagpagising ka ng maaga!" pahabol pa nya. 

Oo nga pala, binilin ko sa kanya na gisingin ako ng maaga dahil mag aapply ako ngayon. 

"Bumangon ka na dyan at ng hindi ka mahuli, mahaba ang pila sa poso!" sigaw ni Tyang mula sa ilalim ng lupa. Oo ilalim ng lupa kasi basement/underground ang kusina namin. 

Nag-inat inat muna ako bago tumayo. Kinuha ko ang tuwalya mula sa sabitan sa tukador at saka nagsuot ng tsinelas at lumabas ng bahay. Umikot ako sa munting barong barong papunta sa palikuran/liguan upang kunin ang container at timba. Pumunta ako sa poso, mahaba nga ang pila. Pang anim siguro ako, yung pangatlo at pangapat ay isang kariton ng mga container ang iigibin. Matatagalan pa ako nito. Kunsabagay mag aalas sais pa lang. 

Habang naghihintay ng aking turn sa poso ay tumambay muna ako sa tindahan sa gilid. Bumili ako ng isang Mighty at isang MikMik. Sinupsop ko muna at inubos ang MikMik bago sinindihan ang yosi. Solve na naman ako. Parang adik lang. Iyon ang paborito ko sa umaga pagkagising, Mighty at MikMik. Hindi pa ubos ang yosi ko ay turn ko na sa poso. 

"Aba himala, ang bilis nyo yatang makapag igib", ang sabi ko sa mamang nagpila ng sangkaterbang container. 


"Mauna ka na, dalawa lang naman yang iigibin mo eh." sagot naman nya. 

"Salamat manong" at dali dali kong isinahod ang timba at container saka nagsimulang mag pump ng poso. 

Agad ko namang napuno ang container at timba. Tigisang kamay ko itong binuhat at dinala sa aming palikuran/liguan. Isinabit ko na rin ang twalya sa gilid at nagsimulang maghubad. Itinira ko ang aking brief at nagdasal muna bago magbuhos. 

"Brrrr! ang lamig" 

Matapos maligo ay dumulog ako sa hapag para mag umagahan. Matapos ang almusal ay saka ako nagbihis. Eksaktong alas otso ng magpaalam ako kay Tyang.

"Pagbutihin mo Rem, magdasal ka bago lumakad. Hilingin mong ilayo ka sa anumang disgrasya hane" paalala ni Tyang habang nakatanghod sa pintuan. 

"Oho Tyang" sagot ko sabay antanda ng krus at usal ng maikling dalangin. 

"Diyos ko, ilayo nyo po ako sa disgrasya at ipahintulot nyong matanggap na ako sa trabaho. Pangako po pag nakapagtrabaho na ako, hahanapin ko si kuya." dasal ko habang naglalakad. 

Mag aalas nuwebe na ng dumating ako sa opisinang pag aapplyan ko. Pagpasok pa lang sa pinto ay tinanong agad ako ng mamang naka barong na asul kung ano ang pakay ko. 

"Walk-in applicant po" sagot ko. 

Pinaglog nya ako sa isang notebook at saka itinuro sakin ang reception. Pagkatapos mag log ay pumila na ako sa reception. 

"We don't have any Customer Service Positions available as of now. We only process technical support applications here, would you like to pursue with your application?" naulinigan kong bungad ng receptionist sa aplikante sa aking harapan. 

Patay! Paano to, wala akong technical background? Bakit naman kasi sabi dun sa dyaryo eh hiring sila ng customer service agents. 

Nagisip muna ang aplikante sa harapan ko. 

"If your not yet decided, please move back to give way to other applicants" mataray na utos ng receptionist sa aplikante sa harapan ko. 

"Next" 

Agad akong lumapit. 

"We don't have any Customer Service Positions available as of now. We only process technical support applications here, would you like to pursue with your application?" tanong sakin ng receptionist. 

"Ahm, wala po kasi akong technical background eh, is that okay?" 

Tumingala sakin ang malditang receptionist saka ngumiti ng pagkatamis tamis. 

"Of course its okay, let me have your resume" 

Inabot ko sa kanya ang dalang resume. Inistapler nya to sa isang form at ibinalik sakin. 

"Please fill this form out and return it to me once your done." 

"Thanks" pagpapasalamat ko sa kanya at nilangkapan ko rin ng matamis na ngiti. 

"Miss i'll pursue my application na din" singit naman ng aplikanteng nasa unahan ko kanina. Kinuha naman ng receptionist ang kanyang resume at inattach sa form saka binalik sa kanya. 

Humanap ako ng malapit na lamesa upang ma fill-out ang form, nakita ko *** aplikanteng nauna sakin at naisipan kong tumabi sa kanya. 

"Ang lakas naman ng hatak mo sa chicks" bungad nya sakin. 

"Huh?" kunwang di ko narinig ang sinabi nya. 

"Sabi ko pogi ka sana kaya lang tulala!" sabay hagikgik. 

"Sorry, yun ba talaga sinabi mo?" sagot ko naman habang abala sa pagsasagot ng form. 

"Sabi ko ang lakas ng hatak mo sa chicks, biruin mo ang lapad ng ngiti nung receptionist ng makita ka. Akala mo yung babae sa pelikulang Mirror. Yung namatay dun sa bathtub ng wasak yung bunganga." tuloy tuloy na pagpapaliwanag nya. Mula sa form ay tumingala ako ng konti. May pa demo demo pa sya nung itsura nung babaeng sinasabi nya. 

"Loko loko" sabi ko. 

"Correction, loka loka" pagtatama naman nya. 

Nabigla ako noong una. Akalain mo yun, may lahing berde pala siya, akala ko kanina kabaro ko. 

"If you say so" pagsang ayon ko na lang sa kanya. 

Matapos naming i-fillout ang form ay sabay naming sinubmit ang form sa receptionist. Kinuha naman nila ito at pinaghintay kami sa waiting room. Tatawagin daw ang pangalan namin. 

Magkatabi kaming naupo sa waiting room. Mga ilang minuto rin kaming walang imikan. Sinubukan kong basagin ang katahimikan na yun sa pamamagitan ng pagpapakilala. 

"Rem nga pala!" sabay abot ng kamay. 

"Hi Rem, I'm Diddy" malanding sagot naman nya. 

OK naman siya kahit may pagkamalamya, maliit, mga 5'5" medyo maputi. Makinis ang mukha at may kaunting taba sa katawan pero hindi mo masasabing chubby, maliit ang cute nyang ilong, at mabilog na mata. 

"Are you sure your comfortable speaking with me?" prangkang tanong nya. 

"Of course" sabi ko. "Walang problema" dagdag ko pa. 

Wala talagang problema sakin. Hindi naman ako suplado or homophobic. Kung tutuusin nakakaaliw naman silang kasama kasi madaldal at mabida. 

"Okay" sagot nya sabay ngiti. "May experience ka na?" tanong nya mayamaya. 

"Ha?" nagulat ako sa tanong nya. 

Tinawanan nya ako. "I mean experience sa call center/BPO" pagklaklaro nya. "Sorry kung iba ang implication nung unang tanong ko ha." paghingi pa nya ng paumanhin. 

"Ok lang yun" pag aasure ko sa kanya. "First time ko kung sakali" sagot ko. "Mag call center" dagdag ko para iklaro. "Kagragraduate ko lang." 
Matagal tagal pa kaming nagkwentuhan. Nalibang ako sa pakikipagusap sa kanya. Naipasa ko naman ang mga prosesong pinagdaanan ko. Ganun din naman siya. Naikwento nya sakin na halos 5 taon na daw siyang nag ko-callcenter pero puro customer service lang at first time nya kung sakali sa technical support. 

Buong maghapon nagtagal ang application process. Sa awa ng diyos ay nakapasa kaming dalawa sa lahat ng proseso. Alas nuwebe na ng gabi kami nakauwi matapos pumirma ng kontrata. Tuwang tuwa kong ibinalita kay Tyang na may trabaho na ako. Halos maluha luha naman din siya sa tuwa. 

Nang sumunod na linggo ay inasikaso ko ang mga requirements sa aking papasukan. Nagkasabay pa kami ni Diddy sa pagpapamedical. 

"Rem, sa tingin mo kaya may touch theraphy session sa physical exam natin mamaya?" wika ni Diddy. 

"Anung touch theraphy?" tanong ko sa kanya. 

"Alam mo na yun! Yung i totouch ang nota mo, tas i k-KFC ang wafut mo!" 

"Huh?" "Diddy wag ka nga munang mag alien language, hindi ko nagegets eh." pabirong sagot ko sa kanya. 

"Naku wag kang magalala, tuturuan kita, aba! advantage yan pag marunong ka. Malay mo nilalait ka na pala ng kung sino. Diba?" 

Napa oo na lang ako sa kanya. Ang kulit talaga ni Diddy. Pero ayos naman sakin basta ba wag nya ako haharassin eh. Pag hinarass nya ako bubuntalin ko talaga siya. 

Natapos naman ng maaga ang pre-employment medical exam namin. Laking pagpapasalamat na lang ni Diddy at walang touch theraphy. Yun pala ay yung i checheck ng doctor ang bayag at puwet mo. Putsa talaga to si Diddy, mabuti na lang at alien language ang ginamit nya, kung hindi ay malamang na nag back out ako sa medical exam na yun. 

Ang totoo kasi nyan, wala pa akong karanasan sa sex. Puro mariang palad sa mga malalaswang larawan at kwento sa dyaryong Bomba at Tiktik lang ang nagagawa ko. Sabi nga ni Diddy, All By Myself daw. Kung nagtataka nga pala kayo sa KFC, eh fifingerin pala and ibig sabihin nun. Sabi din ni Diddy. 

Mukhang marami na akong nasasagap na bagong bagay dito kay Diddy. Pero enjoy din naman ako. Kahit mahabang oras ang ginugugol namin sa paghihintay ay hindi namin namamalayan dahil sa mga kwento nya. 

Matapos mag pa medical ay naghiwalay na kami ng landas ni Diddy. Mas nauna syang natapos sakin at nagmamadaling umuwi sapagkat hinihintay na daw siya ng kanyang boyfriend. 

Naisipan kong maglakad lakad muna sa Megamall bago umuwi. Patingin tingin sa mga tao at sa mga paninda. Bigla akong nakaramdam ng panunubig kung kaya't hinanap ko agad ang pinakamalapit na restroom. Habang umiihi ako ay may tumabi sa aking isang medyo may edad ng lalaki. Umihi din siya, pero hindi lang yun ang kanyang ginawa. Pasulyap sulyap pa siya sa akin. Nailang ako kaya't tinitigan ko siya ng masama. Hindi na ulit siya tumingin. Matapos umihi at maghugas ng kamay sa lababo ay lumabas na ako. Naisipan ko ng umuwi na lang. 

May ilang metro na ang nalalakad ko ng makaramdam ako ng kakaiba. Nananayo ang mga body hairs ko. Pati yata pubic hair. Lumingon lingon ako. Sumusunod sakin ang lalaking kanina ay tumabi sa sakin sa CR. Binilisan ko ang paglalakad. Nang makalabas ako ng Megamall, lumingon ulit ako, wala na siya. Nailigaw ko. Success! 

Nilakad ko mula Megamall hanggang Crossing papunta sa sakayan ng dyip. 
Ayos, paalis na. Dali dali akong sumakay. Pagkaupong pagkaupo ko. Nagulat ako. 

*Wink *Wink 

Kindat. 

Putang Ina, bulong ng isip ko, anung ginagawa nya dito? Panu kaya siyang nakarating dito? Pano nya nalaman na sa parehong dyip ako sasakay. Anak ng Pating naman oo. Akala ko natakasan ko na tong lalaking to. May pagka stalker ata to. 

Nakaupo sa harap ko ang lalaking kani kanina lang ay iniligaw ko sa Megamall. Pinagmasdan ko siya. Mukha namang disente. Mukha ding lalaki. Wala naman sigurong tililing sa utak to. 

Nginitian nya ako. Hindi ko pinansin at ibinaling ko na lang ang mga ulo ko sa daan. Hindi ako mapakali. Pakiramdam ko, nakatitig pa rin siya sakin at waring sinusuri ako mula balakubak sa ulo hanggang sa dumi ng ingrown ko sa paa. 

"Sana bumaba na siya"

"Sana bumaba na siya" 


Paulit ulit kong dasal. 

Wa epek. Pag dating sa may JRU ay pumara na ako. Nagulat pa ako ng bumaba na din siya. Kumpirmado. Sinusundan talaga nya ako. 

Binilisan ko ang lakad ko papunta sa pila ng dyip papuntang Vergara, sa kamalas malasan ay walang dyip sa pila. Kailangan ko pang maghintay. 

Maya maya pa ay naramdaman kong tumabi siya sakin. 

"Wag kang matakot sakin, may kailangan lang ako sayo, pero hindi ang iniisip mo, mas mahalaga pa." bungad nya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento