Biyernes, Hulyo 12, 2013

Mga Paru-Parong Ligaw 9

“I think this calls for a beer or two. The booze might help ease the pain you know.”Putol ko sa katahimikang namagitan samin.

“Ang alak Val, parang anesthesia, nakakapagpamanhid, pero pansamantala lang. Pagkatapos ng epekto nito, nandun pa rin ang sugat, mas masakit, mas makirot. ”si Earl habang nagpupunas ng luha.

“That’s what you thought. Did’nt you know that the spirit of alcohol can break the walls of your sanity? It let’s you loose from your guards, from your inhibitions. It let’s you face your fears and anxieties. It provides an outlet to your pent up emotions. No strains. Everything is pure and raw. Let loose of yourself for once Earl. Fume, scream, shout, curse, cry. It’ll feel better in the morning” katwiran ko naman

Sa wakas ay pumayag din si Earl. We went to Malate. Sa isa sa mga street pub. Nakaubos kami ng tatlong bucket ng Red Horse. Enough for me to get light-headed and for him to be tipsy. Pagkatapos ay inihatid ko siya sa kanila. 

Hindi muna siya pumasok at nagyaya na maupo muna sa bangketa para magpababa ng tama. 
-----------------------------------------------------------------

Nakakanlong kami sa tanglaw ng bilog na buwan. Nakaparada ang kotse sa harap ng bahay ni Earl. Nakaupo kami sa bangketa. Wasted, pero hindi sabog. Lasing, pero matino ang isip. 

“Earl, how does it feel to love Percy?” panimula ko.

“Mahirap ipaliwanag Val. No word can explain the feeling. Kahit siguro sang dictionary ka pa tumingin. Ang closest siguro eh ineffable.” Sagot niya

“Ineffable?” tanong ko. Bago sa pandinig ang salitang iyon at hindi ko alam ang ibig sabihin.

“Oo. Incapable of being expressed in words. Yung saya mo pag kasama mo siya, yung lungkot mo pag-alis nya. Para siyang oscillation, pulsating. From extreme pain to extreme joy. Grabeng init, grabeng lamig. Alam mo yun? balik tanong nya.

“Yes. I feel for you. How you want to stare at his face and not get bored. How you want to sit beside him all night and not get cramps. How you want to walk with him and not get tired. Trust me Earl, I know the feeling. I share your joy and pain. Cause I feel the same for you. And I feel the same way you feel, every moment, everyday since I met you. ” pag-amin ko.

Hindi sumagot si Earl.

Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at iniharap sa akin. Tinitigan ko siya sa mata. 

“I think I love you Earl. I also feel it. My heart and mind are in chorus. They scream your name. My entire system is so full of you. My eyes looks for you. My ears listen for you. My skin feel for you. My lungs breath for you. My heart beats for you.”pagtatapat ko.

“Why? Why me?” naguguluhang tanong ni Earl. Kitang kita sa mga mata nya ang pagkalito at pagkagulat. Napakaganda niyang pagmasdan ng mga oras na yun. Sweet innocent. Nothing can be more beautiful than his face under that moonlight on that night.

“I don’t know Earl. I can’t explain it.” 

“Ineffable” sabay naming bigkas.

“Val, di ko alam ang isasagot ko” maya maya pa ay sabi Earl.

“Im not asking for your answer Earl, hell I have’nt even courted you!” naiirita kong sagot.

“Li..liligawan mo ko?” si Earl. Punong puno na naman ng kainosentehan ang kanyang mata. Naroon na naman ang pagaalinlangan. Basang basa ko. 

“Yes! Just give me the permission Earl, I will court you till you fall in love with me. I will court until were 90, or even a hundred years old. I will wait for the time that your feelings come to me. Just please let me” pagsusumamo ko sa kanya.

“Hindi natutunan ang pag-ibig Val” katwiran nya habang nakatingin sa lupa.

“Yes it can be learned. The same away other emotions can be. You just have to accept it. You just have to let it be. It’s a natural progression Earl.” Giit ko.

“Hindi ako sigurado Val” hindi pa rin naaalis sa lupa ang mga mata nya.

“But I am Earl. Im sure as hell. And ill teach you how to love me.” Umaapaaw ang kumpyansa ko sa sagot kong ito.

“Bahala ka” resigned ang boses na sagot nya.

“Is that a yes? Will you let me court you Earl? Will you let me prove to you that love can be learned?” kinulit ko siya.

“Ok. I guess… Yes” halos pabulong nyang sagot.

“Woohooo!!! Yes! I love you …” sigaw ko. Hindi ko na natapos dahil tinakpan nya ng mahigpit ang bibig ko. Para akong batang binilhan ng bagong laruan ng mga sandaling iyon. Naguumapaw ang saya sa dibdib ko. Nangingilid ang luha ko sa sobrang saya.
Ineffable. Yun ang pakiramdam ko ng oras na iyon and man it was priceless.

“Anu ka ba nambubulahaw ka na ng mga kapitbahay. Saka baka magising si Mama.”Saway ni Earl habang tutop ang bibig ko.

Hinalik-halikan ko ang palad nyang nakatakip sa bibig ko. 

Nagulat siya at bigla itong binawi.

Bumukas ang ilaw sa tarangkahan ng bahay nila. Nagising ko ata ang Mama nya.

Nagpaalam na siyang pumasok.

Ayaw ko pa sanang payagan kaya lang umaga na din at saka gising na ang Mama nya. 

Nagpaalam na rin akong uuwi. 

Kumaway lang siya habang nakamasid sa pag-alis ko.

Hindi maalis ang nakaplastang ngiti sa labi ko. 

Tanghali na ako nakatulog sa kaiisip kung papano ko sisimulan ang panliligaw. Honestly, first time kong gagawin iyon sa kapwa lalaki. Sa mga babae ay maraming beses na. Napagpasyahan kong kausapin si Percy para malaman kung ano ang mga hilig ni Earl.
------------------------------------------------------------------
Niligawan ko siya.

Inaraw-araw ko.

Hindi ako nagsayang ng oras.

Hatid sundo ko pagpasok sa school at sa Jollibee. 

Minsan kasabay namin si Percy. 

Minsan hindi.

Niregaluhan ko siya ng lahat ng alam kong gusto niya. 

Nagpaturo pa ako kay Percy.Mas kilala niya si Earl kesa sakin.

Nung umpisa awkward yung pagtanggap ni Earl sakin. 

Pero habang tumatagal eh nakasanayan na siguro nya.

Mahigit tatlong buwan kaming ganon.

Paggising ko sa umaga tatlong text ang ipinapadala ko sa kanya. 

Una, Good Morning my sunshine! Time for school. Pangalawa, Don’t forget to eat your breakfast. You need more weight. Ideally 150 and your still at 120. Pangatlo, Ill be there in about 10 minutes. Ill wait for you at the instersection.

Ng minsang magkasakit ako dinalaw nya ako sa inuupahan kong unit at inalagaan. 

Umabsent pa siya sa school at trabaho para mapuntahan ako.

Napakasaya ng araw na iyon. Magaling siyang mag-alaga. Lalo ko siyang minahal dahil doon.

Eksaktong tatlong buwan simula ng ligawan ko si Earl ng makatanggap ako ng tawag mula kay Mama. Pinapauwi nya muna ako ng Greece. Importante daw. Doon na lang daw nya ako kakausapin. Ang mahalaga ay umuwi muna ako. Isang buwan lang naman daw.

Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin kay Earl. 

Hindi ako mapakali sa tuwing magkasama kami. 

Hindi ako sanay ng may itinatago sa kanya. 

At ng dalhin ko siya sa Antipolo ay saka ako naglakas loob na magsabi sa kanya.

Weekend iyon kaya’t wala siyang pasok kinabukasan. Pag labas nila ni Percy Jollibee ay dumeretso muna kami sa Eureka. Nagbasketball kami ni Percy. Tapos ay sa stuffed toy machine naman. Nakatatlo kaming stuff toys. Ang sa akin ay si Kermit the Frog. Kay Percy ay si Tazmanian Devil. At as usual, Pikachu na naman kay Earl.

Bago pa ang araw na iyon ay kinakutsaba ko na si Percy. Plano kong dalhin si Earl sa Antipolo. Doon sa overlooking. Si Percy din ang nagbigay ng ideyang yoon. Sakto namang may lakad din si Percy at ang girlfriend nya ng gabing iyon kaya talagang nakalaan para sa amin ni Earl ang panahon at pagkakataon.

“Hey Guys, Why don’t we check the overlooking area in Antipolo tonight?” Yaya ko sa kanila habang nagmemeryenda.

“Sayang pare, may lakad kami ni Princess eh.” Agad na sagot ni Percy. Rehearsed na rehearsed ang acting.

“Too bad.” sagot ko.

“Bakit di na lang kayo sumama samin” sabi naman ni Earl. Patay kang bata ka, di namin napagisipan yon.

“Eh manood kasi kami ng sine ni Princess eh. Yung Harry Potter daw. Nakabili na ako ng ticket” adlib ni Percy sabay kindat sakin.

“Ahh..” si Earl.

“So, are you free tonight to be with me?” pacute ko kay Earl sabay lahad ng kamay.

“Oo. Ok lang. Basta uuwi tayo ng maaga ha.” Sagot ni Earl. Nakangiti. 

Nakahinga ako ng maluwag. Nalagpasan ko na ang unang pagsubok. Ang mapapayag siyang lumabas na kaming dalawa lang. Ang susunod na stage ay mas mahirap. 

Bago umakyat ng Antipolo ay dumaan muna kami sa SM Supermarket at namili ng mga babaunin.
Isang dosenang Red Horse in can, yelo at tsitsirya.

Napakaganda nga ng view sa overlooking. Tanaw mo ang buong kalakhang Maynila. Samu’t saring ilaw ang naglipana. Mga piping saksi sa kaganapan ng gabi. 

“Beautiful” buntong hininga ko.

Nakaupo kami ni Earl sa likod ng pick-up truck na dala ko. 

Tumutungga ng Red Horse at ngumunguya ng tsitsirya.

“Alin? Yung view ba?” tanong ang isinagot nya sakin.

“Yup” tugon ko habang hindi inaalis ang mga mata sa kanyang mukha.

“Ibang view naman yata yang sinasabi mo eh” biro nya.

“No! I mean it. Sideview, frontview, Any view.” pacute ko.

Namula na naman ang kanyang mukha. 

“You’re blushing again.” biro ko.

“Yung ka nonsense-san mo kasi” katwiran nya.

“That’s not true! It’s the most sensible word I’ve ever spoken” Agaw ko.

“Talaga lang huh!” hamon nya.

“Yup! Seeing your face illuminated by the strobes of the city light, blushing red, is a very beautiful view. It’ll be more beautiful if you’ll pair it with your smile” sabay kurot sa pisngi nya.

Ngumiti siya. Dahan dahan. Hay! Napakagandang tanawin. 

“My mom called” singit ko.

Biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha nya. Gayundin ang mata nya. Kung kanina ay nirereflect nito ang mga ilaw na nakapalibot samin. Ngayon ay naging deep black ito.

“Bakit daw?” usisa niya.

“She wants me to go back to Greece for a month. She said its something important” paliwanag ko.

“Ahh.. Iyon naman pala eh. Kelan ang alis mo?” si Earl.

“Next week, Saturday” sagot ko. 

Pinagmasdan ko siya. Nangintab ang mata nya. Nagbabadyang luha ang nakita ko. Pero agad ding nawala.

“Don’t worry ill be back. Probably before a month. Im still gonna court you till were 90 right?” pagaalo ko.

“Oo naman. Or else, wala kang isang salita.” Sagot nyang nakangiti. 

Pinagpawisan ako dun sa puntong yun. Salamat naman at naunawaan nya ako.

Bago mag alas nuwebe ng gabi ay naihatid ko na si Earl sa kanila. Ibinili na rin namin ng dinner ang Mama nya on our way home.

Ng mga sumunod na araw ay biglang nagiba ang ihip ng hangin. Laging maagang umuuwi si Earl. Humuhumpak ang kanyang mga pisngi at laging inaantok. Tinatanong ko naman siya kung ok lang siya pero laging “oo naman” at “ok lang ako” ang sagot nya.

I once held his hand and it felt different. May mga kalyo na siya sa kanyang middle finger na parang dati ay wala. 

The dreaded day came, Saturday.

Alas otso ng umaga ng magising ako. Kung hindi ko pa pinilit ang aking sarili ay hindi ako makakabangon. There is something wanting me to stay. But I needed to be away. I need to patch things up sa Greece. I don’t want to disappoint my Mom. Siya lang ang tanging kakampi ko.

Bago mag alas dose ay nasa Airport na ako. 2PM pa ang flight ko to Hongkong. Doon ako sasakay papuntang Paris and then layover to Athens.

Naunang dumating si Rem.

“Is Earl coming? Usisa ko.

“Oo pupunta yun. Nagleave din ngayon sa trabaho eh.” Sagot niya.

We waited for him sa lobby. 

Past twelve na siya dumating.

May bitbit na bouquet.

It looks big.

White roses arranged in spiral. Smallest on the outside ring, then slowly getting bigger towards the center. 

Gawa sa tissue paper which looked recycled. May mga ink blots.

Nakabalot sa blue cotton paper at itinali.

Natouch ako. Nangilid ang luha ko.

“Pasensya ka na ha… ito lang ang pabaon ko. Hindi ko kasi afford yung real roses eh, so I just made one” hinging paumanhin ni Earl habang inaabot ang bouqet sa akin.

Mukhang pinabangohan pa nya. CK One ang amoy. The same perfume na gamit nya.

“I love it.” Sinserong tugon ko.

Nagulat ako ng bigla siyang yumakap kaya’t hindi agad ako nakahuma.

Ang tagal. 

Hindi na ako nakatiis. Niyakap ko na din siya sabay ng paglandas ng luha sa pisngi ko.

“Always take care, Val” bulong nya.

“Tell that to yourself. You’re loosing weight again. Ideal is 150 and I think you’re still at 120” biro ko

“Hindi naman, malapit na ako sa 150” si Earl na hindi bumibitiw ng yakap. Lalo pang humihigpit.

Nakamasid lang samin si Percy.

“Seriously though, take care of yourself while Im away Earl. As much as I want to be the one taking care of you, Im not a superhero. OK?” paalala ko ulit.

Umalog alog ang balikat nya. Parang natatawa na naiiyak. Naramdaman ko na lang na namamasa na ang balikat ko.
Maya maya pa ay kumalas na siya. Limang minuto siguro kaming magkayakap.

“I need to check in now or I’ll miss my flight” pilit ang ngiti kong paalam sa kanila.

“See you in a month bro” si Percy sabay tapik sa balikat ko.

“See you Perce. Look out on Earl for me will you?” hiling ko kay Percy.

“Of course pare. Asahan mo yan. Wala ka pa, ako na ang look out nito” tugon ni Percy habang ginugulo ang buhok ni Earl.

“See you in a month Earl” paalam ko sa kanya.

Tango lang ang isinagot nya sakin.

Pumihit na ako patalikod. Lumingon, ngumiti at saka diretsong lumakad papasok ng departure area.

------------------------------------------------------------------

Kakaunti lang ang pasahero ng flight ko papuntang Hongkong. Ibinaba ko muna ang bouqet sa tabi ko saka inaayos ang mga hand carried baggage ko. Pagkaupong pagkaupo ay agad kong inusisa ang bouquet na bigay ni Earl.

Ang taling ginamit ay gawa sa manipis na pisi ang pinagbuhol-buhol na parang bracelet/anklet. 

Inamoy ko ulit ang mga bulaklak. Na-amoy ko si Earl. Pumikit ako. 

God! I missed him so much!

Pagmulat ko ay napansin ko ang isang nakalawit na note.

It reads: PLUCK ME

Nakakabit ito sa pinakamaliit na bulaklak sa outer ring na siyang nagsisilbing umpisa ng spiral arrangement.

Hinawakan ko ang talulot at pinitas na parang bulaklak. 

Matapos ay binuklat ko ang papel.

Isang buong tissue pala ito, at may nakasulat.

It reads:

Val,
First Day.
You made me feel special.
You’re the first to make me feel this way.


Isa isa kong binuklat ang mga sumunod na bulaklak.
Nakarrange siya chronologically.

Val,
5th Day.
Sinundo mo ko sa school.
I really appreciated your effort.
Salamat. Salamat.


Val,
15th day.
Ang kulit nyong dalawa ni Percy.
Salamat.
Nagenjoy ako.
First time ko sa Enchanted Kingdom.

Hindi ko namamalayang lumuluha na ako. Tuloy tuloy ng pagagos ng luha ko sa bawat mensaheng nababasa ko.

Val,
30th day.
Ang tyaga mo.
Hanga ako sa effort mo.
I’m trying to learn here.
Please bear with me.

Val,
45th day.
Pinaiyak mo ako.
Pinaiyak mo rin si Mama.
Salamat sa party na prinepare mo for her.
Bilib ako sayo.

Bawat piraso ng sulat na nabubuklat ko ay plinaplantsa ko ng kamay saka itinutupi ng maayos at isinisilid sa zip lock ko sa backpack.

Val,
60th day.
Kelan ka kaya magsasawa sakin.
Wag mo akong sanayin dahil baka hanap hanapin ko.
Ang cute nung Pikachu na bigay mo.
Galing bang Eureka to?

Val,
85th day.
Sorry kung medyo naging bugnutin ako lately.
Worried lang ako sa project ni Percy.
Salamat at nandyan ka to make me smile again.
Dyan ka lang ha.

Val,
90th day.
Hanep ka.
You never failed to surprise me.
Wala na sigurong katulad mo sa mundo.
Maswerte ako sayo.


Napangiti ako.

Val,
91st day.
Ang daya mo.
You made me smile and cry at the same time.
Bakit ngayon pa?
Dapat nuon pa lang.


Nagtakeoff, nag climb, umisteady, nag gain ng altitude. Umisteady na ulit.

Im on my way back home. Back to where my roots are, but I left my heart in Manila.

100th piece. Huling bulaklak. 100 tissue papers rolled into petals. 100 letters. 100 days simula ng ligawan ko si Earl . Sa 100th letter.

It reads:

Val,
100 days na.
100 days simula nung first lesson natin.
100 days simula nung sinubukan mong turuan akong lumimot.
100 days simula ng binuksan mo ang mga mata ko.
100 days simula ng ipinaramdam mo sakin na mahalaga ako.
100 days simula ng sinabi mong mahal mo ko.
Tapos ngayon aalis ka?
Kung kailan tapos na akong magbilang.
Kung kailan natuto na ako.
Kung kailan nakalimot na ako
Kung kailan bukas na ang mata ko.
Kung kailan mahalaga ka na sakin.
Kung kailan MAHAL NA KITA.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento