Biyernes, Hulyo 12, 2013

Mga Paru-Parong Ligaw 6

Tanghali na ng magising si Rem, simula ng dumating sila sa Crete ay napapadalas at napapahaba ang tulog nya. Malamig kasi ang klima sa isla kung kaya't mas masarap matulog. Kagabi ay nagkausap na sila ng Tyang niya at ayon dito ay nasa mabuting lagay na ito. Kasama umano nito si Diddy at kaslukuyang nagpapagaling sa AIMS Facility sa Singapore. Matapos ang paguusap nila ni Tyang Mely ay mas gumaan ang pakiramdam ni Rem. Ligtas na ang kanyang tiyahin kung kaya't ang posibleng pagkikita na lang niya at ng kuya niya ang dapat nyang paghandaan. 
Pagkatapos mag hilamos at mag sepilyo ay tinungo nya ang kusina para maghanap ng makakain. Nagugutom na sya. Nadaanan nya sa sala si Matt, nanunuod ito ng balita. 

"Good morning" bati nya dito.
"Hapon na." nakangising sagot nito. 
"Oo nga pala, napasarap na naman ang tulog ko" sagot nya habang naglalakad papuntang kusina.
Naramdaman nyang nakatitig sa kanya si Matt kaya sinulyapan nya ito. Agad naman nitong binawi ang tingin. Naghalungkat siya ng pagkain sa kusina habang patuloy naman sa panonood ng balita si Matt.

"Welcome to CNN Business News, this is Jenny Hardings your anchor." bungad ng host ng daily news program.

"For our Top Business News, Fortune Magazine recently released its final list of the World's Biggest Companies. Lets see which companies made it to this year's Fortune 100."

[--Music Queue--]

"3 of the GKC Corporation Companies made it to this years Fortune 100 along with several other global players. On Top 67 is GKC Business Services, Top 22 is GKC Telecommunications Corporation, and Top 5 is GKC Power Corporation. Rumor has it that the GKC Corporation will be announcing a Consolidation Effort to unify the company under one banner-- GKC. If this rumor turns out to be true, GKC will become the largest private owned corporation and the first of its kind to make it to Fortune's prestigious list. Meanwhile... blah .....blah .... blah..."

Habang tuloy sa pagbabalita ang CNN ay nagkahulihan naman ng tingin sina Matt at Rem, waring binabasa ng isa't isa ang reaksyon sa karirinig lang na balita. Si Rem ay anyong manghang mangha samantalang si Matt naman ay proud na proud. 

"Narinig mo ba yun?" si Matt.
"Totoo ba lahat yun?" si Rem.

"Ang alin?" biglang singit ng kadarating lang na si Vergel.

"Damn it Zerk your late!" bulalas ni Matt.
"Why? Did I miss something of utmost importance?" Kaswal na sagot ni Vergel.

"Uhm, namiss mo lang naman ang kalahati ng buhay mo." painis na sagot ni Matt sabay patay sa TV.

"Bakit ba kasi?" si Vergel.

"Kakaannounce lang sa CNN, 3 kumpanya ng GKC ang pumasok sa Fortune 100."buong sabik na pagbabalita ni Matt. Namimilog pa ang mata nito habang nagsasalita.

"Seryoso ka?" napalakas na sagot naman dito ng kapartner. Nagpalipat lipat ang tingin nito kina Matt at Rem. Puros tango lamang ang naisagot ng dalawa.

"Yes! Yes! Grabe naman." tuwang tuwang sigaw ni Vergel.

"Narinig mo yun Rem? Ganyan kalaki ang kumpanyang pamumunuan mo!" baling ni Vergel kay Rem.

Nuon lamang nag sink in kay Rem ang balitang kanya mismong nasaksihan. Hindi kaagad siya nakapagreact sa sinabi ni Vergel.

"Saan ka ba kasi nanggaling?" singit ni Matt.

"Ahh, galing akong security office. Nag Fax ng documents si General." sagot ni Vergel.

"Anu daw iyon?" usisa ni Matthew.

"Tuloy daw ang Anniversary Expo next Saturday. And we have to be in Manila by then. Of course kasama si Rem." mahabang saad ni Vergel.

"Eh kumusta ang balita sa mga nagtangkang pumatay sa kanila? Nahuli na ba?"buong pagaalalang tanong ni Matt.

"May lead na daw sila" sagot ni Vergel sabay higop sa kapeng hinanda nya.

"Mabuti naman" hayag ni Matt saka tumalikod upang pumanhik sa kwarto.

Naiwan si Rem at Vergel sa kusina. Si Rem na nilalantakan ang pizzang galing sa fridge at si Vergel na humihigop ng kape.

"Nga pala Rem, bukas ay tutungo tayo ng Paris, may kinontak na kaming agents duon. Magkakaroon ka ng 5 day speech training tapos mamimili na rin tayo ng wardrobe mo. Siyempre hindi na pwede ang basta basta na lang ang suot mo."pagbabalita ni Vergel kay Rem. Tatango tango lang ang binata.

Matapos kumain ay agad na ring pumanhik si Rem sa kanyang silid upang magpahinga. Balak sana niyang maghanda ng gamit ngunit wala naman pala siyang dala kaya napagpasyahan niyang dumungaw na lang sa veranda at tanawin ang malawak na dagat.

Napansin niya sa kabilang Veranda si Matthew. Nakadungaw din ito. Nagkatinginan sila saka nagkahiyaan.

Unang nagsalita si Rem para basagin ang katahimikan.

"Pupunta raw ako ng Paris bukas sabi ni Vergel. Sasama ka ba?" bungad ni Rem.

"Ha? Hindi ko alam. Wala pang sinasabi sakin si Zerk. Kelan nya nabanggit sayo?" si Matthew.

"Kanina lang pag-akyat mo. Sana makasama ka. Kampante kasi ako pag andyan ka eh." Si Rem.

Parang may kung anung maligamgam na feeling ang bumalot kay Matthew. Para siyang hinahaplos ng mainit na kamay. Naginit ang kanyang mga pisngi at napansin na lang niyang nagblublush na sya. Mabuti na lamang at hindi sa kanya nakatuon ang pansin ni Rem. Malamang ay mabisto siya nito pag nakita sya sa ganong ayos. Pinilit nyang pakalmahin ang sarili at saka sumagot.

"Bakit mo naman nasabing kampante ka pag kasama mo ako." tanong nya kay Rem.

Tumingin muna ito sa kanya. Napakaamo ng mukha nito.

"Wala lang, ang macho mo kasi... Pag kasing macho mo ang kasama ko, kahit sino sigurado tumba." pagpapatawa nito.

Nakitawa narin si Matthew. 

"Seriously, parang simula nung binigyan mo kami ng matitirhan ng Tyang ko, hanggang sa pagdamay mo samin ng may magtangka sa buhay namin parang Knight in Shining Armor na ang tingin ko sayo." seryoso na ngayon si Rem.

Maang lamang si Matthew. Naunawaan nya ang nararamdaman ni Rem. Maraming mga bagay ang nangyari sa loob ng mabilis na panahon at mukhang nagsisimula pa lang masanay sa mga ito ang lalaki.

"Mabuti naman kung ganun. Pangako, paninidigan kong maging Knight in Shining Armor mo." kusang namutawi sa labi ni matthew ang mga pangakong binitiwan. Hindi nya alam kung bukal sa loob nya ang mga iyon, pero wala siyang pagsisising nararamdaman.

"Salamat" malamlam ang matang sagot ni Rem.

"Sige matutulog na muna ulit ako" pagpapaalam ni Rem.

"Teka kagigising mo lang matutulog ka na naman?" si Matthew.

"Walawala kasing magawa" pangangatwiran ni Rem.

"Magbihis ka, hintayin mo ko, lalabas tayo" sunod sunod na utos ni Matthew bago pumasok sa silid nito. Hindi na nakasagot pa si Rem.

Makalipas ang limang minuto ay kumakatok na ito sa pintuan ng ng silid ni Rem.

Pagbukas niya ng pinto ay nagulat pa ito.

"Oh, bakit hindi ka pa bihis?" usisa nito.

"Hello! Wala kaya akong baong damit!" pagpapa-alala ni Rem.

"Ay oo nga noh, hiramin mo na lang yung sakin kung kakasya." si Matthew.

Saglit itong nawala at pagbalik ay may bitbit ng polo shirt na cream at striped na shorts. 

"Bababagay sayo yan." sabi ni Matthew sabay abot sa kanya ng mga damit.

Ipininid muna ni Rem ang pinto saka dali daling nagbihis. Awa ng Diyos ay nagkasya naman sa kanya ang damit na ipinahiram ni Matthew. Sumaglit mun siya sa harap ng salamin bago lumabas ng kwarto. Naghihintay na si Matthew sa kanya sa hagdan.

"Wow!" laglag ang pangang reaksyon ni Matthew ng makita si Rem.

"Bagay nga sayo." dagdag pa nito.

"Salamat ha, Tara na!" pagpapasalamat at pagyaya ni Rem sa kasama.

Excited na kasi siyang lumabas.

Nagtungo sila sa market area ng isla. Maraming mga tao. Karamihan ay mga Griyego. May mangilan ngilang mga turista din ang nagiikot at naghahanap ng mga souvenirs. 

Nagtungo sila sa isang malapit na coffee shop na nasa gitna ng plaza. Pagkaupong pagkaupo ay agad na nilapitan ang dalawa ng isang waiter.

"Good afternoon Sir. Menu?" sabay latag ng Menu sa kanilang harapan.

"I'll have Caramel Kiss Island Coffee." si Matthew.

"Ill have Regular Iced Tea" si Rem.

Sa totoo lang alien language kay Rem ang mga kasosyalang mga pangalan ng inumin sa restaurant na iyon.

"Red or Green Sir?" tanong ng waiter kay Rem.

"Huh? Oh, Green please." sagot ni Rem.

"Minty, sweet or unsweetened sir?" tanong pa ulit ng waiter.

Nakukulitan na si Rem pero pinilit nya itago.

"Sweet please" saka ipinaskil ang kanyang killer smile na nagpapahiwatig na tigilan na siya ng waiter.

"Im sorry Sir but I have one last question to ask. Would it be refillable or just one?"

"Refillable please" si Matthew na ang sumagot para kay Rem. Nahalata na kasi nyang naasiwa na ito at mukhang mananapak ng di oras. 

"And also please give us Minced Meat Pie for 2" dagdag pa ni Matthew. 

Agad namang tumalima ang waiter.

"Ang dami namang tanong, simpleng iced tea lang naman hinihingi ko" busangot ang mukha ni Rem.

"Hahahahaha" Di mapigilang mapahalakhak si Matthew. 

"Masyado pala maikli ang pasensya mo. Ganyan talaga pag fine dining maraming tanong. Dapat masanay ka na dahil madalas kang makakahalubilo ng ganyang mga tao." mahabang salaysay ni Matthew.

"Siyanga pala, kailangan mo ng Secretary at Executive Assistant kapag inassume mo na yung position mo sa GKC. Dapat magisip ka na ng gusto mong maging empleyado." Dagdag pa ni Matthew.

Nagliwanag ang mukha ni Rem.

"Si Diddy na lang ang gagawin kong Secretary." walang alinlanagang sagot ni Rem.

"Aba mukhang ready ka na ah" pangbubuska naman ni Matt.

"Oo nga eh. Kaya dapat ready ka din. Ikaw ang gagawin kong Executive Assistant ko." Nakangising tugon ni Rem sabay tingin sa kung saan saka sinabayan ng mahinang pagsipol.

Namula ang buong mukha ni Matthew sa narinig. Hindi niya inaasahang siya ang gustong maging EA ni Rem.

"Uy, tisoy!" pang aalaska ni Rem sa namumulang si Matthew. 

"Matagal na." sagot naman ni Matthew at nagkatawanan ang dalawa.

"So payag ka na?" maya maya pa ay tanong ni Rem.

"Pagiisipan ko pa" sagot ni Matthew.

"O sige bibigyan kita ng 10 seconds" si Rem.

"10 seconds? Ang bilis naman!" reklamo ni Matthew.

"8, 7, 6, 5," nagsimula ng magbilang si Rem.

"Pwede bang tumutol?" tanong ni Matthew bago matapos magbilang si Rem.

Tumingin lang si Rem kay Matthew. Mata sa mata. Nabasa ni Matthew ang lungkot sa mga mata ni Rem. Para na naman siyang hinaplos ng kung anung mainit.

"Sige na payag na ako" sa huli ay nasambit nya.

Sa pakiwari nya ay biglang napalitan ng kislap ang kanina lang ay lamlam ng mata ng kaharap. Kahit paano ay gumaan naman ang pakiramdam nya. Ang problema nya ngayon ay kung papaano sasabihin kay Vergel.

"Pumayag ka nga pero parang ang lalim naman ng iniisip mo. Pinagiisipan mo pa rin ba kung gusto mo ngang maging Executive Assistant ko?" puna ni Rem.

"Ha? Ah eh.. Hindi naman sa ganon, iniisip ko lang kung panu ko sasabihin kay Zerk." honest na sagot ni Matthew.

"AHH" tatatango tangong sagot ni Rem.

Dumating na ang kanilang inorder kung kaya't para magkaaway muna sila habang nilalantakan ang Minced Meat Pie. 

Matapos kumain at magikot-ikot ay nagpasya na silang umuwi. Halos mag aalas sa sais na kasi nun at malapit ng kumagat ang dilim. Mula sa taas ng burol ay kitang kita nila ang maliit na fishing town na pinanggalingan nila. Makikita mula sa malayo ang kumpol kumpol na mga ilaw mula sa mga mangingisdang naghahandang pumalaot. Gayundin ang mga lamp post na nakahilera sa bangketa ng nasabing bayan.


Nang makarating sa bahay ay agad na tinungo ng dalawa ang kanikanilang silid. Napagod sila sa paglalakad sa bayan kung kaya't agad na nakatulog.


=========================================


Nagising si Rem na nasa loob siya ng isang madilim at maalinsangang silid. Nakagapos ang kanyang mga kamay sa likuran at ang mga paay nakakadena. Mahaba ang kadena kung kaya't nagawang makakilos ni Rem. Tinangka niyang hanapin ang daan palabas ngunit sa tuwing malalapit siya sa bahagyang siwang ng liwanag ay napapatigil siya sa pagusad dahil sa pagkakakadena ng kanyang mga paa. Gusto niyang sumigaw pero tuyong tuyo ang kanyang lalamunan. Tanging impit na ungol lang ang lumabas dito. Matagal na nagpaikot ikot si Rem sa loob ng silid. Maya maya pa ay bumukas ang pintuan ng silid at may pumasok na isang matangkad na lalaki. Sa pakiwari nya ay mas matangkad ito sa kanya ng 5 pulgada. Tinawag siya nito, hindi sa pangalan nya kundi sa isang pangalang nagpanginig ng kanyang kalamnan. Hindi maintindihan ni Rem ang sarili subalit natagpuan na lamang niya ang sariling nakasubasob sa sahig na wari'y sinasamba ang lalaki sa kanyang harapan. Binabalot siya ng kakaibang sensasyon. Parang libo-libong boltahe ng kuryente and nanalaytay sa kanyang mga ugat. Tumigil ang lalaki may 2 pulgada mula sa kanyang nakasubasob na mukha. Inutusan siya nito, hindi niya masyadong naintidihan ang utos ngunit kusang gumalaw ang katawan nya. Umakyat ng bahagya ang ulo, at unti unti lumapi sa mga paa nito. Nagulat na lamang siya sa kanyang sarili ng lumapat ang mga labi niya sa magkabilang sapatos na suot nito. Nakabibinging halakhak ang narinig nya pagkaraka. Pinupuri siya nito. Magaling daw siya, masunurin at madaling matuto. Ang mga papuring narinig ay lalong nagpasidhi ng kanyang nararamdaman at siyang nagdala ng ibayong sensasyon sa kanyang buong pagkatao at nalaman na lamang niyang umaagos ang sariling katas mula sa kanyang ari. Natuklasan ng lalaki ang kanyang pagtagas at lalo itong humalakhak at hinimas himas pa ang buhok niya. Humina ang mga halakhak at parang nawawalan siya ng ulirat hanggang sa...


==========================================

"Blag" plakda sa sahig si Rem. Una ang mukha.


Saka lamang nagmulat ang mata ni Rem at saka sinalat ang mukha, pagkatapos ay ang ulo, at maya maya pa'y ang suot na shorts. Basa ito, at malagkit. Nag wet dreams siya. Kakaibang panaginip. Parang totoo. Hindi maipaliwanag ni Rem ang paghahalo halo ng kanyang damdamin. Nandyan ang kaba, ang sensasyon ng libo-libong boltahe sa kanyang mga ugat at kung ano pang hindi niya maipaliwanag. Sinulyapan niya ang relo sa gilid ng kama. Alas singko y medya ng umaga. Malapit na palang mag umaga. Nagpasya na lamang siyang maligo at magbabad sa bathtub sa loob ng sariling banyo. 
==========================================


9:00 AM Paris Time.
Charles de Gaulle International Airport.


Kalalapag lamang ng GKC Private Boeing 737-800 lulan sina Matthew, Rem at Vergel. Si Matthew at Rem ay upang manatili sa Paris para sa training ni Rem at si Vergel ay para humabol sa huling flight pabalik ng Pilipinas upang asikasuhin ang paghahanda para sa seguridad sa nalalapit na Anniversary Expo.

Pagkagaling sa paliparan ay tumuloy muna sina Rem at Matt sa Hotel de Crillon sa Place De La Concorde para magpahinga. Ala una ng hapon ang unang meeting nila. Dalawang magkahiwalay na silid ang kinuha ng dalawa. Manghang mangha si Rem sa ganda ng hotel na tinutuluyan. Sayang at wala siyang camera para makapagpakodak sa iba't ibang bahagi ng hotel.

Ala una ng hapon ng i-meet nina Matthew si Dr. Jean Louisse Boulbaine, ang magiging speech trainer ni Rem. Alas kuwatro na sila sa natapos sa Speech Training kung kaya't dumiretso na agad sila sa Arc d'Luveill para i meet and wardrobe consultant na si Peter Eclair. Inabot sila ng apat na oras sa pamimili ng mga damit, sapatos at kung ano ano pang mga abubot. Ayon pa kay Peter ay buwan buwan ang pagpapalit ng wardrobe kung kaya't kailangan nilang bumalik sa Paris every month para sa fitting. Nalula si Rem sa halaga ng mga tux at suits na pinili ni Peter para sa kanya. Pasado alas nuwebe na ng gabi ng makabalik si Matthew at Rem sa Hotel na tinutuluyan. Agad silang dumeretso sa restaurant upang maghapunan. Nakaupo na ang dalawa ng may matanaw si Matthew sa hindi kalayuan. Naningkit ang mga mata nito. Napansin naman ni Rem ang kakaibang kilos ni Matthew kung kaya't sinundan nya ang tingin nito.

"Magpa Room Service na lang tayo" biglang tayo si Matthew.
Nabigla si Rem at nalito. "Ano kayang meron?" tanong nya sa sarili.Akmangtatayo na si Rem ng may isang matangkad na lalaking lumapit sa kanila. 

"Matthew Javanadera! we meet again" bungad ng lalaki sa baritonong boses.

Tipid na ngiti lang ang isinagot ni Matthew. Halatang asiwa siya sa pakikipagusap sa lalaki. Nagpalipat lipat ang tingin ni Rem sa dalawa.

"Oh excuse my manners, Val here, and you are?" baling naman ng lalaki kay Rem.

Inaiabot ni Rem ang kanyang kanang kamay para makipagkamay.

"Rem here" matipid niya ring sagot.

Kakaibang pakiramdam ang bumalot sa katawan ni Rem ng maglapat ang palad nila ng lalaking nagpakilalang Val. Para siyang humawak sa isang live wire. Nanariwa ang mga sensasyong naramdaman niya sa kanyang panaginip. Awtomatikong bumitiw ang kanyang mga kamay mula sa pagkakahawak ng lalaki at saka lamang humupa ang tensyong nararamdaman niya.

"So Matt" baling ni Val kay Matthew.
"How is it working for Perce?" tanong ng lalaki.

"Never better" tipid ulit na sagot ni Matthew.
"Good for you. If in any case magsawa ka sa trabaho mo ngayon, alam mo naman kung san ako matatagpuan diba? Ill be waiting for you" si Val.

Hindi sumagot si Matthew.

"I'll take my leave" paalam ni Val.

Akmang tatalikod na ito ngunit parang may naalala at biglang lumingon.

"Nice looking guy you have there, make sure he's well fed." ngumisi ito at saka tumalikod.

Pinamulahan naman ng pisngi si Matthew.


===================================================


"So magpapa Room Service pa ba tayo?" tanong ko kay Matthew. Hindi siya sumagot. Bagkus ay tinanong din nya ako.

"Sa tingin mo ba nakilala ka ng lalaking yun?"

"Ha? Malay ko. Bakit?" balik tanong ko sa kanya.

"Mamaya na ako magpapaliwanag, magpa Room Service na lang tayo" sabay hatak sakin sa kamay.

Tumayo na din ako at sumunod sa kanya. Hawak pa rin niya ang kamay ko. Napakalambot ng kamay niya. Parang bulak.Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Medyo nahihiya ako kaya hinaltak ko ang kamay ko. Dahil mahigpit ang pakakahawak niya ay nahila ko rin ang kamay niya. Tumigil si Matthew at lumingon sa akin. Pinanlakihan niya ako ng mata. Inginuso ko naman ang mga kamay namin. Tiningnan niya ito at ng marealize ay agad niyang binitawan. Saka tumalikod at putuloy na naglakad. Sa elevator na kami nag pang-abot. Napagpasyahan namin na sa kwarto ko na lang kumain. 

Pagkapasok ng kwarto ay agad na tinawagan ni Matthew si Vergel saka nagtungo sa balcony. Doon sila nagusap habang naghihintay sa room service. Kumakalam na ang sikmura ko ng sa wakas ay dumating ang room service. Bubuksan ko na sana ang pinto ngunit tinawag ako ni Matthew. Siya na daw ang magbubukas ng pinto. Nagtaka ako dahil si Matthew na ang nagpasok ng cart na naglalaman ng aming pagkain. 

"Anu bang nangyayari Matthew?" kinakabahan kong tanong.

"Yung lalaking nakausap mo kanina, siya si Valios" sagot ni Matthew habang inihahanda ang lamesa.

"Ibig mong sabihin siya yung kumidnap kay Kuya?" napatayo ako.

"Parang ganun na nga" sagot ni Matthew.

Napaupo akong muli, pilit inaalala ang eksena ng pagtatagpo namin. To be fair with him, hindi siya mukhang nakakatakot. in fact, malakas ang dating nya. Nanariwa din sakin ang sensasyong naramdaman ko ng maglapat ang aming mga kamay. 

Matapos ang hapunan ay pumunta na sa kwarto nya si Matthew para magpahinga. Ako naman ay nag shower muna at nagbabad sa bathtub. Pilit pa rin kasing sumisiksik sa aking alaala ang naging pagtatagpo namin ni Valios. To be fair sa kanya, hindi siya mukhang goon gaya ng iniimagine ko. Matangkad siya, mga 5'11" siguro o kaya 6'. Matangos ang ilong, mamula mula ang kutis, kakaiba kesa sa tipikal na Caucasian, makinis ang balat niya, walang freckles, pino at itim ang kanyang mga balahibo sa braso at dibdib. Malalim ang mga mata at sensual ang pwede kong maging description sa kanyang mga labi. Sa kabuuan ay talaga namang mapangakit ang kanyang itsura. Di lang makalaglag panty, makalaglag brief din. 


===================================================


"Plak Plak Plak!"
Parang mga palakpak ang gumising sa aking pagmumunimuni. Kasabay niyon ay ang pagsigid ng kirot sa aking pang-upo.

"Plak Plak Plak!" pabilis ng pabilis ang mga palakpak.
Bukod sa kirot ay hindi maipaliwanag na kiliti ang aking nadarama. Halo halong sensasyon. Iminulat ko ang aking mata. Nakagapos ang aking dalawang kamay paitaas at nakasabit sa kisame. Bumaba ang aking tingin, dalawang pares ng mahahabang biyas ang aking dinadaganan, mamulamula at makinis na pinong balahibo, halos naninigas ang kalamnan. Nakaupo ako sa ibabaw ng isang lalaki. Gusto kong lingunin pero nakasabunot siya sakin. Tuloy tuloy pa rin ang mga palakpak. 

"UNGH! UNGH! UNGH!" ungol ng lalaking inuupuan ko. 

"Plak!" Naramdaman ko ang paghamapas ng kanyang balakang sa aking puwitan.

"Sh!t!" sigaw ng utak ko.

"Put@ng Ina!" pinupuwitan ako ng lalaking ito. Gusto kong magpumiglas, pero parang naninigas ang kalamnan ko. Ganun din ari ko. Pulang pula at namamaga ang ulo. May bahid ng malagkit na likido sa butas nito. Tuloy tuloy ang ritmo ng mga palakpak. Namumuo ang kiliti sa puson ko. Malapit na akong sumabog. Pabilis ng pabilis ang pagsigid ng kirot sa puwitan ko. Kasabay niyon ang pagbigat ng ***** ko at paglala ng tensyon sa aking mga kalamnan. Tumigil ang palakpak, humigpit ang sabunot nya sakin, namasa ang aking puwitan, bumigay ang puson ko at sumirit ang sarili kong katas.Isa, dalawa, hindi ko na mabilang. Sunod sunod ang pagsumpit nito. Hinang hina ako. Lupaypay. Pumipikit... dumidilat... pumipikit...

Pagdilat ng mata ko, nasa bathtub na ulit ako. Nakalublob sa tubig.


=================================================

Ewan ko ba pero parang feeling ko magkakadugtong ang mga panaginip ko. Parang totoo din ang mga nagaganap. 

Agad akong nakatulog ng gabing iyon. Same routine lang kami ni Matthew kinabukasan, speech training, sukat ng damit, shopping. Ganito pala ang buhay mayaman. Sa totoo lang medyo naasiwa pa ako lalo na pag sinusukatan ako ng damit. Pati ba naman kasi sa dressing room ay may taga-abot pa ng damit na sinusukat ko. Hindi lang siguro ako sana'y ng may nag aassist sakin sa pagbibihis.

Pangatlong araw na namin sa Paris, medyo naboboring na ako sa hotel. Niyaya ko si Matthew na pumunta sa club at uminom ng kaunti ngunit masakit daw ang ulo nya. Magisa tuloy akong lumabas ng Hotel at nagtungo sa pinakamalapit na bar. 

May 3 blocks mula sa Hotel ay nakakita ako ng bar. Mukhang sosyal. "Galaxie Club Pede". May mga nakapilang mga lalaki sa labas kung kaya't nagpasya akong doon na lang mag-inom. Nakapagtataka sa loob ng club. Hindi naman kadiliman dahil may mga disco lights na magaslaw na paikot-ikot sa dance floor at may mga scented candles ang bawat lamesa. Pero, puros lalaki ang laman ng club na iyon. Lumapit ako sa bar at umorder ng drinks. Margarita lang ang inorder ko sapagkat yun lang ang tanging alam kong pang sosyal na inumin. Mabuti na lamang at meron sila. Mahal ang inumin, nagkakahalaga ng 3 euros ang isang baso ng Frozen Margarita. Buti na lang at dala ko ang cash card na binigay sakin nina Matthew. 

Masarap naman ang Frozen Margarita. Parang shake na nakakalasing. Pinaikot ko ang mata ko sa loob ng bar. Wala talaga akong makitang kababaihan. Wala tuloy mapormahan. Nageenjoy naman ako sa music na pinapatugtog ng DJ. Naka 4 na order na ako ng Frozen Margarita ng may biglang tumabi sakin. 

"So, you like it here?" bungad ng lalaking tumabi sakin.

Sinipat ko siya. 

Anak ng! Siya yung nagpakilala sakin sa resturant ng Hotel. Siya si Val. Si Valios. Siya ang lintik na hinyupak na kumidnap sa kuya ko.

OK Rem, cool ka lang. Daanin mo sa pa cute at pa charming. Bulong ko sa utak ko.

"Uhm, the crowd's good and the music's entertaining, so i guess it would pass."sagot ko. 

Nakanam Rem! Furpect!(perfect). Nagamit ko ang mga lessons ko sa Speech Training with Madame Bulbolin, este Bulbaine pala. Sa isip isip ko.

Tumango tango siya at napadako ang tingin sa dalawang lalaking nakaupo sa couch malapit samin.

Sinundan ko ang tingin nya.

O.O Nanlaki ang mata ko sa aking nakita! Holy Coyote! Dalawang machong balbasin, naghahalikan, Mali!, naglalaplapan. Pakiramdam ko na drain ang dugo ko sa ulo at napunta lahat sa paa. Nanlamig ang mga kamay ko. Hindi dahil sa Frozen Margarita kundi dahil sa *(!@^# na nakita ko.

"Looks like your not a fan of public smooching" puna ni Val.

Muntik ko ng makalimutang tao pala siya at hindi estatwa kundi pa siya nagsalita. 

"Yeah, im more of the conservative type" palusot ko.

"Hahahaha" mahinang tawa nya.

Hindi nakaligtaan ng aking mga tengang may sonar ang mahinang halakhak ni Valios. Narining ko ng ang tawang yun. Mas malakas nga lang. San nga ba? Kelan nga ba?

"Conservative eh?" pagklaklaro nya.

Nginitian ko siya ng pacute. Medyo tumabingi nga lang ang labi ko dahil sa pagkailang.

"Monsieur, your card" agaw ng bartender sabay abot ng cash card ko.

Napatingin si Valios sa card ko.

"Wow!" bulalas ni Valios.

"So its true" parang wala sa sariling dagdag pa niya.

"Guess, your a big fish eh?" tanong nya.

"Uh, i dunno what you mean by 'big fish'" pagmamaang-maangan ko.

"That card you're holding" umpisa nya sabay turo sa card ko. "is like a rare piece of gem" dugtong ni Valios. "Only the elite members of the GKC Organization has that"pagpapaliwanag pa ni Valios.

"I know, because I own one" dagdag pa niya. Saka inilabas ang sarili nyang GKC Cash Card.

"So you are a big fish too eh?" balik tanong ko kay Valios sabay sipsip sa Frozen Margarita. Lalo yatang nanlamig Margarita ko. 

"Lets just say, i used to be" sagot ni Valios sabay de kwatro.

"Are you in any way related to Percy?" tanong ni Valios.

"Percy.." sino kayang Percy ang tinutukoy nito?

"Uhm, I guess you are referring to the lightning thief" pagbibiro ko sabay flash ng killer smile.

Gumanti siya ng ngiti at tumayo. Sabay silid ng mga kamay sa bulsa. Humarap siya sakin. Parang sinusuri ako.

Kinabahan ako. Ewan ko ba pero sa tayo nyang iyong eh napaka authoritative ng dating nya.

Relax Rem. Inhale, exhale, inhale, exhale. Relax. Bulong ko sa isip ko.

Tumingala ako ng kaunti upang salubungin ang tingin nya.

"Ikaw ba si Rembrandt?" tanong nya in perfect, straight pinoy tone.

Muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko. Nagtatagalog pala tong tinamaan ng lintik na ito, binuhol buhol pa yung dila ko.

"Oo pare, Rem na lang for short" inabot ko ang kamay po para makipagkamay.

Inabot din naman nya ang kamay ko.

"Bzzzt"

Muli na namang dumaloy sa katawan ko ang kakaibang sensasyon. Nakakuryente siyang hawakan. Para akong humawak ng live wire ng Meralco sa mismong poste nito. Nananayo ang mga balahibo ko. Todo dasal ako na sana'y bitawan na nya ang kamay ko. Nagtagal pa ng mahigit sampung segundo ang pagkikipagkamay niya sakin. 

"Nice meeting you Rem" nakangiting pahayag ni Valios.

"Ikaw din" lang ang tanging naisagot ko.

"Care for a coffee outside? Masyadong maingay dito sa loob eh" yaya niya sakin.

Ewan ko ba, malakas yata talaga ang convincing powers ng Valium na yun, Valios pala.

Umorder siya ng Black Java Blend at ako nama'y Cappucino A'la Face. Mag aalas tres na ng madaling araw nuon. Sa labas na kami ng coffee shop pumwesto para sumagap ng sariwang hangin. 

"So have you and Percy seen each other already?" usisa ni Valios.

"Hindi pa, hindi ko nga alam kung nasan siya ngayon eh" sagot ko.

"Ah, typical of him, always full of surprises" nakangiting baling Valios sakin.

"Can I ask you a question?" tanong ko sa kanya.

"You just asked me one" nakangiti pa rin siya.

"Gaano mo kakilala ang kuya ko?" ako.

Sumandal si Valios sa silya. Sumimsim ng kape at saka bumuntong-hininga.

"Julius Percival Juico" banggit niya sa pangalan ng kuya ko.

"Its been six years mula ng magkakilala kami" simula nya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento