Biyernes, Hulyo 12, 2013

Mga Paru-Parong Ligaw 11


Matapos ang paglalahad ni Valios ay mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan ng dalawa. Parehong kapwa malalim ang iniisip. 

Nilamon ng lamig ng gabi ang init ng kape. 

“Its getting late, baka hinahanap ka na ng ‘yayo’ mo.” Maya-maya pa ay sabi ni Val.

“Oo nga pala. Napasarap kasi ang kwentuhan eh.” Sang-ayon ni Rem.

Nagpaalaman ang dalawa. Iniwan ang kapeng halos walang bawas. Kumaway sa isa’t isa bago tuluyang naghiwalay ng landas.

Tinunton ni Rem ang daan pabalik ng hotel. Samu’t saring larawan ang nagsalimbayan sa kanyang balintataw. Mga larawan ng nakaraan at mga larawang iginuhit ng malawak na imahinasyon. 

Deretso agad sa kama si Rem pagdating sa kwarto. Inihimlay ng nanlalabo niyang isipan ang pagal na katawan sa malambot nitong kaniig.

Mataas na ang araw ng magising si Rem. Si Matt ang una niyang hinanap. Wala na ito sa kwarto nito. Marahil ay nauna ng kumain. 

Nanlilimahid na siya. Suot pa rin nya ang damit na ipinanlabas niya ng nakaraang gabi. 

Matapos kalusin ang kanyang mga saplot ay tumapat siya sa ilalim ng dutsa. Parang breath of fresh air ang lagaslas ng tubig. 

Sa labas naman ay kadarating lamang ni Matt. Agad niyang pinuntahan sa kwarto nito si Rem upang i-check kung gising na ito. Narinig niya ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Hinalungkat nya ang mga paper bags na naglalaman ng mga pinamili nila ng nakaraang araw. 

Tumutulo pa ang mga butil ng tubig sa katawan ay lumabas na si Rem ng banyo. Nakalimutan kasi niyang magdala ng tuwalya sa loob.

Isang nakapamewang na Matt ang nagpatigil sa kanya. 

Nagkatitigan sila. Lumalaban ang titig ni Matt. Unti-unting bumaba ang mga mata. Sinundan ni Rem ang tingin ni Matt. Dumako ang tingin ni Matt sa itinatago ni Rem. 

Sy3t! Tili ng utak ni Rem. Agad niya itong tinakpan ng kanyang palad. Ang isang palad naman ay sa dibdib itinakip. 

Pinagpawisan naman ang binatang kaharap niya.

“Anong ginagawa mo rito?” bulyaw ni Rem.

“Chinecheck ko lang kung gising kana.” ngising asong tugon ni Matt.

“Hindi ka man lang kumatok! Ginulat mo ako” sermon ni Rem habang paatras sa banyo 

Humakbang si Matt, palapit kay Rem. 

“Sa..San ka pupunta?” nagpapanic na tanong ni Rem.

Hindi sumagot si Matt, bagkus ay humakbang pang muli palapit kay Rem habang nakangisi.

Kumaripas ng takbo si Rem pabalik ng banyo. Kasehodang naexpose ang ang kanyang pang-upo sa ginawang pagtalikod ay hindi na niya ininda. Ang lakas lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Para itong speaker na todo ang bass. “Boom! Burum Boom Boom Burum Boom Baby, 2NE1!” Anu daw? Bulong ng utak niya. Napasandal siya sa pintuan ng banyo, habol ang hininga.

*Tok!Tok!*

Dalawang mahinang katok ang gumitla kay Rem. Nadulas tuloy siya at napaupo sa sahig ng banyo.

“Rem? Ok ka lang?" may pag-aalalang tanong naman ni Matt mula sa labas.

Pinihit ni Matt ang seradura at pumasok.

“AHHH!” gulantang na sigaw ni Rem. Lintik na… Hindi pala niya na-ilock ang pinto sa pagmamadali.

Nagulat din si Matt pero agad siyang nakabawi. Paano kasi’y nakahandusay sa sahig si Rem. Nakatakip pa rin ang kamay sa kanyang hinaharap habang ang isang kamay ay nakakapit sa balustre ng lababo, nagpipilit tumayo.

“GET OUT!” sigaw ni Rem. "OUT! OUT! OUT!" Ulit pa nito.

Nabigla si Matt sa ikinilos ni Rem. 

“Sorry!” Hinging paumanhin nito.

“Iaabot ko lang naman itong bathrobe mo eh” pagpapaliwanag pa niya.

Inabot naman ni Rem ang bathrobe at agarang itinakip sa kanyang burlesk na katawan.

“OUT! NOW!” muling utos ni Rem.

Agad namang tumalima si Matt. Pagtalikod ay saka ngumisi. May pakagat-kagat pa sa labi.

“Iwan na muna kita. Pumunta ka na lang sa kwarto ko mamaya!” bulyaw niya habang palabas ng silid ni Rem.

“Inihanda ko na rin pala ang susuotin mo” dagdag pa nito bago tuluyang ipininid ang pintuan.

Umuusok pa rin ang ilong ni Rem habang inaayos ang sarili. Ibinalot na nya sa katawan ang bathrobe na inabot ni Matt. Nagiinit ang mukha niya. Gayundin ang katawan. Tila ba sumapi sa bathrobe ang mga kamay ni Matt at ngayo’y malayang yumayakap sa kanyang kahubdan.

Pilit itinaboy ni Rem ang mga makamundong imahe sa kanyang isipan. Ilang hakbang pa ay nakaramdam siya ng kirot sa bandang balakang. Napasama yata ang pagkakaupo niya. Iinot inot na lumabas siya ng banyo. 

Tingin sa kanan, sa kaliwa. Sipat dito sipat doon. Ng masiguradong wala na si Matt ay saka lang siya tuluyang nakahinga ng malalim. Agad siyang lumapit sa pintuan ng room at saka ikinandado, dinouble lock pa.

Samantala, paulit ulit namang plinay ni Matt sa kanyang utak ang mga pangyayari at sa tuwing maalala niya ang naging reaksyon nito kanina ay nangingiti siya. 

Kakaibang init ang dulot nito sa kanyang katawan. Para siyang nilalagnat. Minabuti na lang niyang kumuha ng maiinom mula sa fridge. Pagkatapos ay nagtungo sa receiving area at binuksan ang TV saka inilipat sa CNN. Kailangan niya ng diversion. Baka hindi siya makapagpigil.

May halos 30 minutes ang lumipas bago kumatok si Rem sa kwarto ni Matt. Agad naman itong pinagbuksan ng huli. 

Tigagal si Matt ng mabungaran si Rem. Bagay na bagay dito ang creampolo shirt ng Ralph Lauren. Hakab na hakab ito sa matipunong braso, flat na abs, at malapad na dibdib ng kaharap. Saktong sakto din ang Girbaud Jeans dito. Parang pinasadya ang damit para sa katawan nito. Gwapong gwapo din ito sa ayos ng buhok na brinush up lang at hinayaang matuyo. Exposedna exposed tuloy ang hugis puso nitong mukha. Ang deep set eyes, small upturned nose, square jaw at plump lips.

“Ah… pwede bang tu..tumuloy?” kandautal na tanong ni Rem.

“Ah yeah. Oo, ano ba? Syempre Oo!" Tuliro ding sagot ni Matt.

Sa pagpasok ni Rem ay nahagip ng ilong ni Matt ang pabangong gamit nito. Aqua di Gio by Bvlgari. Fresh! Hmmmm! React ng talandi niyang isipan. Agad naman niya itong sinupil at nagpilit umakto ng normal.

Dumiretso si Rem sa bintana at dumungaw sa labas. 

“Sa Sabado na ang Anniversary Expo diba? Kelan tayo uuwi ng Pilipinas?” tanong ni Rem habang nakatalikod.

“Bukas na ang uwi natin. Kung gusto mo, since wala na naman tayong gagawin today eh mamasyal na muna tayo.” Sagot ni Matt.

Napaharap si Rem sa narinig. 

“San tayo mamasyal? Ok na ba itong suot ko? Gutom na ako eh, pwede bang kumain muna?” sunod sunod na tanong ni Rem. Para itong batang first time mamasyal. Hindi halatang excited.

“Sige ganto, kumain muna tayo tapos saka tayo mamasyal.” Pagpapaliwanag ni Matt.

“Tara na.” yaya naman agad ni Rem. Lumapit pa ito at hinatak ang kamay ni Matt.

“Oo na. Lalakad na! Kukunin ko lang ang keycard ko” pagsangayon naman ni Matt.

Gaya ng napagkasunduan ay nag brunch muna ang dalawa sa isang local restaurant may 2 kanto mula sa hotel. Gutom na gutom na si Rem ngunit nagawa pa rin nitong langkapan ng finesse ang bawat kilos. Mukhang inaapply nito ang mga natutunan nitong nakaraang dalawang linggo. Matapos ang pananghalian ay nagtsaa muna ang dalawa at nagpababa ng kinain bago lumakad.

First stop, Louvre Museum.

Pagkapasok pa lang sa Glass Pyramid upang bumili ng ticket ay hindi na mapakali si Rem. Gayundin si Matt. First time nila parehong makakapasok sa nasabing Museo. Matapos bumili ng ticket at mapa saglit na tumigil ang dalawa upang mag decide kung saan sila unang pupunta.

“Dumeretso na agad tayo sa Mona Lisa” si Rem.

“Ano ka ba, pang Grand Finale yun, yung Egyptian Collection muna” si Matt sabay turo sa mapa.

“Patingin nga” si Rem sabay hablot sa kabilang dulo ng mapa.

*RIP*

Punit ang mapa sa gitna.

“Tingnan mong ginawa mo!” kompronta ni Matt kay Rem sa mahinahong boses.

Halata namang napahiya si Rem. Asal bata kasi ang ikinilos niya kanina. 

Eh sa, excited talaga siya eh.Katwiran na lang niya sa sarili.

“Sorry na, di ko na uulitin.” Nakalabing paumanhin ni Rem habang pili pinagdidikit ang mapa.

Naawa naman si Matt sa itsura ni Rem kung kaya’t inakbayan niya ito at niyakag ng mag-ikot. Hindi na nila tiningnan ang mapa. Bahala na kung saan sila dadalhin ng kanilang mga paa.

“Breathtaking!” bulalas ni Rem ng makaharap na nila ang pamosong Mona Lisa.

“Yeah, breathtaking!” sang-ayon ni Matt sabay iwas ng tingin para hindi mahuli.

“Anong ginagawa mo?” usisa ni Matt kay Rem ng makita itong hinihilig ang ulo pakilawa at saka ay pakanan.

“May tinetesting ako” nagmamadaling sagot ni Rem.

“Anong tinetesting mo?” pangungulit ni Matt habang ginagaya si Rem.

“Nakikita mo bang parang nagiiba yung ngiti niya depende sa direksyon kung saan ka tumitingin?" Ani Rem.

“Huh? Parang hindi naman.” Sagot ni Matt. Inulit ulit pa niya ang ginagawa.

“Oo! Pakiramdaman mo sarili mo” giit ni Rem.

“Bakit? Wala naman akong nararamdaman.”
 naguguluhan ng tanong ni Matt.

“Manhid ka kung ganun.” si Rem sabay tawa ng mahina.

Matapos ikutin ang Louvre ay dumaan muna sila sa Arc de Triomphe bago tumuloy sa Eiffel Tower. 

Lumalatag na ang dilim ng akyatin nila ang Eiffel Tower. Sarado na ang elevator na nagdadala ng mga turista sa tuktok kung kaya’t minabuti na lang nilang mag dinner sa Jules Verne restaurant sa 2nd floor ng Tower. Sayang at gusto pa naman sana nilang makita ang kabuuan ng Paris mula sa tuktok. 

Matapos mag dinner ay pumunta sila sa Les Deux Magots, isa sa mga sikat na lugar sa Paris. Nanatili sila doon hanggang bago mag alas dose ng hatinggabi. Pagkatapos ay nagpahatid sila sa taxi pabalik ng Hotel.

“Good night Rem. Agahan mo ng gising bukas or else ako ang gigising sayo”nakangiting biro ni Matt bago sila maghiwalay.

“Goodnight din” awkward na sagot ni Rem. Nahihiya pa rin siya kay Matt. After all the crazy things na ginawa nya, dapat lang na mahiya siya.

May sasabihin pa sana si Matt pero agad namang tumalikod si Rem at pumasok na sa kanyang silid.

“Sweet dreams” naibulong na lang ni Matt.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento