Biyernes, Hulyo 12, 2013

Mga Paru-Parong Ligaw 8

Saturday, first weekend ko sa Manila. Niyaya ko si Earl na lumabas ngunit hindi siya pwede dahil pagtutulungan nila ni Percy and project ng huli. Nagpasya akong sumama sa kanila. Namiss ko din kasi itong si Earl.

Sa bahay nina Earl ang napagkasunduang lugar. Nagdrive-thru na rin ako sa Jollibee at umorder ng isang bucket ng Chickenjoy, limang Large Fries, limang Apple Pie, at tatlong Ice Craze para sa meryenda.

Dumating ako kina Earl bandang alas tres na ng hapon. Kanina pa pala silang umaga at nakalimutan ng managhalian. Mabuti na lamang at naisipan kong magdala ng makakain. 

"So what project are you doing?" tanong ko kay Percy habang nilalantakan namin ang dala kong pagkain.

"Revised Multi-Modal Base Station" maagap niyang sagot.

"Dinedesign namin siya to be able to support multiple frequencies on multiple technologies"
 singit ni Earl.

"Thats quite interesting" hayag ako. "My family is also into Telecommunications. It's our business in Greece. I also have background in Telecoms Engineering. I can probably help"

"So you mean, you are trying to build a single base station supporting lets say, 850Mhz,1800Mhz and 2100Mhz on GSM, GPRS, EDGE and UMTS technologies?"usisa ko.

"Actually, yung design nya is for CDMA2000 implementation. Mahirap kasing I accomplish yung sa GSM since its time-divided. Ang target namin eh I build siya for 700Mhz,1900Mhz and 2600Mhz on CDMA 1xRTT,EVDO Rev. 0 and EVDO Rev. A."sagot ni Percy.

Hanga ako sa talento nya. Paano nya kaya naisip ang ganong idea. 

"Diba sabi ko sayo genius siya?" pagbibida ulit ni Earl sa kaibigan.

Ngumiti ako tumango-tango.

Matapos mag meryenda/tanghalian ay binalikan na namin ang proyektong naantala. Nagbibigay ako ng mga share of ideas at ganun din naman sila. Mukhang magkakasundo kaming tatlo dahil iisang field ang hilig namin. Pasimple din akong dumidikit dikit kay Earl at paminsan minsan ay inaamoy ko siya. Ang bango nya. Para laging bagong paligo. Amoy beybi. 

Nakasalampak ang dalawa sa sahig at ako ay nakaupo sa sofa pinagmamasdan ang blueprints na ginawa ng dalawa. 

Maya-maya pa ay nakita ko na lang silang magkapatong. Nakadagan si Percy sa ibabaw ng nakadapang si Earl. Si Earl naman ay inilalayo ang kamay na may hawak ng isang mukhang cellphone na nabablot ng goma at masking tape. 

"Babe, I miss you na! Nareceive mo ba yung load na pinadala ko? Reply ka naman oh" binasa ni Earl ng malaks ang text message sa cellphone ni Percy sabay hagikgik.

"Lakas mo pre! Ikaw ang niloloadan ng babae" pambubuska niya kay Percy. 

"Akina yang cellphone ko Earl!" bulyaw naman ni Percy.

Tumingin sa akin si Percy sabay abot ng cellphone.

"Kunin mo dali" sabi ni Earl.

Bago ko pa abutin ang cellphone ay nahablot na ito ni Percy. Sayang. Sigurado akong mahihiya si Percy sa akin pag ako na ang may hawak ng cellphone nya. Matapos ay isiniksik nya ito sa loob ng brief sa bandang harapan saba'y sabing,

"Sigurado dito hindi mo na madudukot toh" 

Namula na naman ulit si Earl na halos magkandasamid sa katatawa.

Maghahatinggabi na ng magpasya silang ipagpabukas na lang ulit ang naantalang proyekto. Nag-offer akong ihatid si Percy pauwi at agad naman siyang pumayag. Ng nasa sasakyan na kami ay bigla siyang nagyayang uminom. Dahil biglaan ay sa Ron-Reg na lang namin piniling maginuman.

Nakakaisang bote na siya at ako ay kalahati ay wala pa ring imik si Percy. Pinabayaan ko na lang siya at baka may problemang dinadala.

"Gusto mo ba si Earl?" bulaga ang unang tanong ni Percy matapos ang isang bote ng Red Horse.

"What?" kunwari ay hindi ko narinig ang sinabi nya. Itinodo ko na ang acting with matching taas ng kilay at kunot ng noo.

"Huwag ka ng magkunwari Val. I know it from the start." sabay lingon sa likod upang sumenyas ng isa pang bote.

"I don't have a chance to deny it then?" tipid kong sagot sabay tungga sa natitirang laman ng aking bote. Straight. Pampalakas loob

"Kung gusto mo ang isang tao bakit mo idedeny na gusto mo siya? Diba dapat, ipagsigawan mo pa?" seryoso na ang mukha nya ng humarap sa akin.

"Ahmm ahmm.." hindi naman ako makahanap ng sagot sa tanong nya.

"Alam ko din na malamya si Earl. Sabihin na nating alanganin" tuloy tuloy na bira ni Percy.

"Pero kahit ganun pa siya, wala sakin yun. In fact, bilang kaibigan nya, I want to protect him. Gusto kong turuan siyang maging malakas para sa sarili nya. Kaya kita kinakausap ngayon" 

Tumingin ako sa kanya, tumungga saka muling tumingin bago sumagot.

"I like him. Yes! I won't deny it" tapang tapangan kong sagot.

"Hindi sapat ang like Val. Define like? Gaano mo siya kagusto? At sa paanong paraan?" sunod sunod na ratsada ni Percy.

Para akong nakikipagusap sa aking mamanugangin.

"I like him in the same way a boy likes a girl" diretsahan kong sagot. Turn naman ni Percy para mabulaga. Pero hindi siya nagpahalata. Magaling magtago.

"Alanganin ka rin ba?" tanong ni Percy sa akin.

"I don't know, and I dont want to label my preference. I just go with the flow" sagot ko.

Ibinalik ko naman sa kanya ang tanong nya "How about you? Do you like him in the same way that I do?" 

Nakipagtitigan muna si Percy sakin bago sumagot. 

"As much as I'd like to say yes, hindi ko magawa. Hindi kasi tama. Isa pa may girlfriend ako. Tsaka hindi rin ako sigurado." sagot ni Percy.

"Kaya kita kinakausap ngayon, kasi I want you to be our breather. Tyempo naman dahil gusto mo siya. He needs diversion Val. Sakin nakatutok ang buong atensyon nya. Naaawa na ako sa kanya minsan" dagdag pa ni Percy.

"I'd gladly take him from you." tuwang tuwang sagot ko. Akalain mo yun, akala ko eh kaagaw, yun pala ay kakampi.

Ng gabing iyon ay nagkasundo kami ni Percy. Na libreng libre ko ng diskartehan si Earl at susuportahan nya ako.

Ng mga sumunod na araw ay madalas kaming tatlong magkasama. Dinadalaw ko sila sa Megamall at pagkatapos ay lalabas kami para mamasyal. Sila ang nagsilbing tour guide ko sa Manila. Nagpunta kaming Fort Santiago, nagpicnic sa Luneta, nagsimba sa Manila Cathedral, nanood ng concert at the park sa Paco. Siyempre pa hindi rin namin pinabayaan ang project ni Percy. Mas lalo kaming naging close ni Earl. Sa mga panahon kasing hindi namin kasama si Percy dahil may girlfriend iyong tao ay solo namin ni Earl ang pamamasyal.

Minsan ay nagawi kami sa PICC at naisipang maglakad lakad sa baywalk at panuorin ang napakagandang paglubog ng araw. 

"Gusto ko, sa takipsilim ng buhay ko, nasa tabi ko ang taong pinakamamahal ko."wala sa loob na usal ni Earl habang nakatitig sa papalubog na araw.

Nilingon ko siya at napansing tumulo ang kanyang luha. Para din akong maiiyak. Dama ko ang lungkot ni Earl. Tagos sa buto. Sapol sa puso.

"Sino naman yon?" kunwari ay usisa ko sa kanya.

"Si Percy" walang kagatol gatol na sagot ni Earl.

Ouch! Ang sakit. Adding insult to injury ito. Think fast, kailangan kong umarte. Tutulo na din ang luha ko anytime.

"Same here" ewan ko ba kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko. Minsan talaga, sa kawalan ng salitang mahagilap ng utak, ay kusang gumagawa ng paraan ang bibig.

"Ha?" gulilat na tanong nya.

Hindi ako tumingin sa kanya. Nag focus ako sa papalubog na araw. Tinamaan naman ng lintik ang scenery, dumadagdag sa bigat ng damdamin.

"I mean gusto ko rin na sa takipsilim ng buhay ko, ang kasama ko ay ang pinakamamahal ko" palusot ko.

"Sino naman yun?" usisa nya.

"Ikaw" bulong ko kasabay ang pagtulo ng kanina ko pa pinipigilang luha.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento