Biyernes, Hulyo 12, 2013

Mga Paru-Parong Ligaw 4

Misteryo sa akin ang lahat ng nangyayari kaya't kailangan kong malaman ang lahat. Kailangan ng kasagutan ng lahat ng katanungan ko. 

------------------------------------------------------------------

"Good Morning Tita! Si Rembrandt po?" bungad ni Diddy matapos pagbuksan ni Tyang. 

"Hay naku Didoy, hayun at nakahilata pa sa kama." sagot naman dito ng matanda. 

"Tita naman, Didoy is so bantot! As in Eww!! Yuck!! Gross!!"malanding tugon ni Diddy na siyang nagpahagikgik sa matanda. 

"Hala sige, bulahawin mo na yung kaibigan mo dun sa kwarto niya at ng makapag almusal na rin yan" utos ni Tyang kay Diddy. 

"REMBRANDO JUICO!! MACHETE MUY GUAPO!" sigaw ni Diddy pagkapasok sa kwarto ko. 

Pupungas pungas ko namang idinilat ang aking mata. Lintik na Diddy ito. Kay aga-aga nambubulahaw. Mas masahol pang mang-gising kesa sa kawali't sandok ni Tyang. Parang sirena ng bumbero.

"Gising na ako Diddy. Tama na!" pagmamakaawa ko sa kanya. 

Umupo siya sa gilid ng kama ko. 

"Mag almusal ka na daw sabi ni Tita" simula nya. 

"Hindi pa ako nagugutom." pagdadahilan ko. 

Ang totoo nyan. Gutom na gutom na ako, pero inaantok pa kasi ako at gusto ko pang matulog. Kung hindi nga lang dumating si Diddy ay hindi matutulig ang utak ko eh. 

"Ang sosyal mo ha! Ako pa ang ginawa mong alarm clock" kunwa'y nagtatampong sumbat ni Diddy. 

"Nagpuyat ka siguro kagabi ano?" tanong nya sakin. 

"Oo medyo napuyat nga ako. Lintik na language assessment yan nakakakaba. Akalain mo ba namang hanggang ngayon eh wala pa ring resulta" may pag-aalalang sabi ko. 

"Oo nga eh, buti na lang at maagap ang assessor ko sa pag..." 

Hindi na natapos ni Diddy ang sasabihin. 

"Rem, hindi maganda ang kutob ko." 

"Ha?" napabalikwas ako ng bangon. "Ano yun?" 

"Basta! Hindi maganda. Halika kumain tayo sa labas. Treat ko. Bilis!" 

"Akala ko naman kung ano." narerelieved kong sabi 

"Saglit at magpapalit lang ako" 

"Wag na." pagpipigil ni Diddy. 

"Ngayon na tayo lumabas" sabay hila sakin. 

"Teka, teka Diddy ano ba." lumaban ako pero sadyang malakas ang hatak nya. 

Pagkalabas namin ng kwarto ay saktong nakasalubong naman namin si Tyang. Hinawakan din siya ni Diddy sa braso at hinila palabas ng unit. 

"Diddy ano bang nangyayari bakit mo kami hinihila!?" tanong ko habang si Tyang naman ay naguguluhang nagpapakaladkad. 

"Sabi ko diba kakain tayo sa labas." Mejo malakas na sabi ni Diddy. 

Walang kahirap hirap nya kaming naisakay ng elevator at saka pinindot ang ground floor. Eksaktong pasara na ang elevator ng lumabas ang may 6 na kalalakihan mula sa kabilang elevator na katapat ng sa amin. Napasulyap sila sa gawi namin at biglang... 

"DAPA!" sigaw ni Diddy. 

Sunod sunod na putok ng baril ang aming narinig bago pa tuluyang sumara ang pinto ng elevator. 

"Shit! Anung nangyayari?" kinakabahang tanong ko kay Diddy. 

"Hindi ko rin alam Rem" nanginginig naman nyang sagot. 

"Basta pag dating sa ground floor kailangan nating magmadali" sagot nya. 

Si Tyang naman ay halos tulala lang sa gilid. Nakasiksik siya sa sulok ng elevator. May dugo sa sahig. 

"Tyang!" agad akong lumapit sa kanya. 

May tama ng bala si Tyang sa tagiliran. 

"Sh!t! Sh!t Talaga! Tyang! Tyang!" inalog alog ko siya. 

"Buhay pa ako Rembrando!" nanghihina nyang sabi. 

"Sh!t! Diddy san ang pinakamalapit na ospital?" 

"Hindi tayo pwedeng magpunta ng ospital. Kailangan nating tumakas at magtago" si Diddy 

"Put@ng Ina Diddy! Nabaril ang Tyang! Hindi pwedeng hindi" 

**TING** 

Pagbukas ng elevator ay mukha ni Matthew ang bumungad samin. 

"Matthew!" sigaw ko. Muntik pa akong mapayakap sa kanya.

"Tulungan mo kami! May balak pumatay sa amin. Nabaril ang Tyang"natatarantang sabi ko. 

"Ha?" gulat na gulat na reaksyon nya. 

Dali dali namang siyang kumilos at tinulungan akong akayin ang Tyang. Nakaparada lang pala sa labas ng condo ang kanyang sasakyan kung kaya't dun niya kami dinala. Kasama din namin si Diddy. Agad nyang pinaandar ang kotse at saka paspasang pinatakbo. Habang daan ay may kinakausap siya sa telepono. Panay naman ang pagchecheck namin ni Diddy kay Tyang. 

"Malapit na ba tayo sa ospital?" maya maya pa'y tanong ko kay Matthew. 

"Sa airport tayo" matipid na sagot ni Matthew. 

"Ha? Ano? Hindi! Ibalik mo! Dalhin mo kami sa pinakamalapit na ospital." naghyhysterical na ako. 

"Wag kang mag-alala REM!" sagot nya ulit sabay dial ng telepono. 

"Anung wag mag alala?" nagwawala na ako. 

"May tama ng bala ang Tyang ko! Kailangan ko siyang dalhin sa pagamutan!" 
"Nakahanda na ang gagamot sa Tyang mo" sagot nya habang may kinakausap sa telepono. 

Nalaman ko na lang na nasa Airport na kami at may naghihintay ng stretcher sa labas. 

Agad kong binuksan ang pintuan at saka lumabas. Agad din namang kinuha ng mga unipormadong tauhan ang Tyang at saka isinakay sa stretcher. 

"Kailangan nyo munang maghiwalay ng Tyang mo." narinig kong may nagsalita sa likod ko. 

Lumingon ako. 

"Vergel here, but you can call me Zerk. Dadalhin ang Tyang mo sa AIMS at dun siya gagamutin. Hindi mo siya maaring samahan sa ngayon dahil mas magiging delikado ang sitwasyon nyo. Wag kang mag-alala magiging safe siya dun. In the meantime kailangan na nating umalis." pagpapakilala ng matipunong lalaking nagngangalang Vergel o Zerk. 

"Pero, san tayo pupunta saka si Diddy nasan na siya?" nag-aalalang tanong ko. 

"Siya muna ang pansamantalang sasama sa Auntie mo sa ospital. Kailangan ka na naming maialis dito" si Matthew. 

Nagpalipat lipat ang tingin ko sa dalawa. 

"Halika na" sabay lapit sa akin ni Matthew para gabayan. 

Wala sa loob na nagpatianod na lang ako. Namalayan ko na lang na pasakay na kami sa isang malaki at magarang eroplano. Nagulat pa ako ng pagpasok ko sa loob ay hindi pampasaherong eroplano ang nadatnan ko. 

Pagpasok sa pintuan ay isang maliit na hallway na may pintuan sa dulo. Doon kami dumeretso. Pagbukas ng pinto ay isang magarbong sala ang nabungaran ko. Nanaginip lang ba ako? Carpeted ang sahig at napakalambot.Mayroon ding mga muwebles na halatang mamahalin. Sa isang sulok ay may malapad na flat screen television. 

"Please make yourself comfortable" maya maya pa'y sabi ni Vergel. 

"Matthew and I will be at the cockpit for the remainder of the flight. In the meantime let me tour you around." 

Giniya ako ni Vergel papasok sa magarbong sala. Kinusot kusot ko ang mata ko para masiguradong hindi ako nananaginip. Totoong totoo nga. Ngayon ko lang nalamang pwede palang gawing bahay ang eroplano. May isang hallway pa sa gawing kanan at may isang spiral staircase sa tabi nito. 

"Eto ang daan papuntang kitchen at bathroom" turo ni Vergel sa hallway. 

"Eto naman ang papunta sa deck at kwarto" dugtong nya habang paakyat kami sa hagdan. 

Pagdating sa taas ay may receiving area din na halos kasing lawak ng sala sa baba. Napapalibutan ito ng de-salaming mga bintana na bahagyang natatakpan ng floor to ceiling na kurtina. Sa isang banda naman ay may pintuan. Doon ako dinala ni Vergel. 

"Dito ang kwarto mo. Maari kang magpahinga dito habang nasa byahe tayo. May sarili na ring banyo dyan sa loob. May mga intercom phones dito kaya kapag may kailangan ka ay tumawag ka lang." bilin pa nya. 

"Pano dun na muna ako sa cockpit area." pagpapaalam ni Vergel 

Pagkaalis ni Vergel ay saka lang ako nakahuma. Inikot ko ang aking paningin sa paligid. Mayroon pala talagang ganito kagarang sasakyan. Ang akala ko ay sa pelikula lang ito nagaganap. Pansamantala kong nakalimutan ang takot at kaba. Maya maya pa ay pumasok ako ng kwarto at naupo sa kama. Napakalambot nito. Para akong nauupo sa ulap. Parang ineengganyo akong mahiga. Bumibigat ang aking mata. Hindi ko na matandaan pa kung anong nangyari matapos niyon. 


------------------------------------------------------------------


"Were you able to find out who attempted to kill my family?" malamig at baritonong boses ng lalaking nakatalikod. Halos umalingawngaw ito sa napakalawak na kwartong yaon. 

"We have possible leads, but we need to further investigate" sagot naman ng unipormadong lalaking nakatayo sa likuran nito. 

Bumuntong hininga ang lalaking nakatalikod. Nakaharap ito sa floor to ceiling length na salamin kung saan makikita ang malawak na asul na dagat. 

"This better be the last" anito 

"Im getting fed up with this." tiim bagang na pahayag nito. 

"We will make sure!" sagot naman ng kausap nito. 

"You may leave." pagdidismiss ng lalaki sa kanyang kausap. 


------------------------------------------------------------------


Nagising ako sa mumunting yugyog ng kama. Ano kaya ang nangyayari? Paisod-isod akong lumapit sa bintana upang dumungaw. Bulak? Ah hindi! Ulap! OMG lumilipad ang magic carpet! Este, ang sinasakyan ko. Oo nga pala eroplano to. 

Bumangon ako at lumabas ng kwarto. Nasalubong ko sa hagdan si Matthew kasunod ang isang babaeng naka uniporme at may bitbit na tray ng pagkain. 

"Oh gising ka na pala. Padadalhan sana kita ng pagkain sa kwarto mo."bungad nya. 

Umatras ako at dumeretso sa receiving area. 

"Pakibaba na lang sa table" utos nya sa babae. 

"Anything else Sir Matt?" wika ng babae pagkatapos maibaba ang tray sa lamesa. 

"Do you need anything?" tanong sakin ni Matthew. 

"No, ok lang ako." sagot ko naman. 

"Thank you Cynthia but its all for now." baling ni Matthew sa babae. 

Yumuko ang babae at saka umalis. Nagsosolo na kami ni Matthew. 

"So I think its time for our deal?" simula ni Matthew. 

"Buti naman naalala mo pa!" may pagkasarkastiko kong sagot. 

Umayos ng upo si Matthewt. 

"Kumain ka muna at pangako pagkatapos mo, tutuparin ko na pangako ko" wika nya sabay kindat. 

Sumunod naman ako, dahil na rin sa kumakalam na ang aking sikmura. Kaninang umaga pa ako hindi kumakain. Nalipasan na nga ako ng gutom. Masarap ang pagkain. Italian style. Saglit lang ay naubos ko agad ang laman ng pinggan. 

"Mukhang nagmamadali ka ah" komento ni Matthew 
"Wag kang magalala hindi ako aalis dito, saka mahaba pa naman ang oras natin. Fourteen hour flight ito at nakaka five hours pa lang tayo."dagdag pa niya. 

"San ba tayo pupunta?" tanong ko habang lumalagok ng fresh orange juice. 

"Sa Crete, isang isla sa gitna ng Meditteranean Sea. Sakop ng Greece."sagot ni Matthew. 

"Ha? Bakit?" medyo napalakas na tanong ko. Muntik ko pang maibuga ang iniinom ko. 

"Relax ka lang. Ang dami mong tanong. Isa isa kong sasagutin yan, tapos ka na ba?" kalmadong sagot nya. 

"Oo tapos na ako." sagot ko saka prenteng umupo sa sofa. Naghahanda para sa mga rebelasyong isisiwalat ni Matthew. 

"Nagstart akong magtrabaho para sa GKC 3 years ago", panimula ni Matthew 

Dati akong detective sa isang Security and Information Firm sa New York. Naging kliyente namin ang GKC at ako ang na-assign na humawak ng kaso. Yun ang unang high profile case na hinawakan ko. Simple lang ang instructions, magkalap ng mga impormasyon tungkol kay Earl Hudgenzargc. 

"Teka kilala ko yung Earl na yun ah... yun yung half pinoy half german na international supermodel na bigla na lang nawala diba?" putol ko 

"Oo" pagkukumpirma ni Matthew, saka nagpatuloy. 

Nakakapagtaka kasi sa pagkakaalam ko, wala namang koneksyon si Earl sa GKC. In fact, hindi ko pa kilala ang GKC noon. Bago pa lang kasi ito isang buwan pa lang itong operational. Tinanggap ko ang project dahil na rin sa malaki ang bayad na inaalok sakin. Tatlong buwan akong nagresearch nagmanman. Marami akong naungkat, mga lihim at marami pang iba. 

"Ano mga nalaman mo?" putol ko ulit. 

"Marami" sagot nya. At isa isang idinetalye. 

Ayon sa mga impormasyong nakalap ko, hindi totoong nawala si Earl, hindi rin siya nagtago, naging alipin siya. Sex slave. Totoo pala ang tsimis noon na may partner siyang lalaki, hindi lang basta lalaki. Mayamang lalaki. Si Valios Kranekkius. Itinago siya ni Valios sa isa sa mga pagaari nitong isla sa Canaries. At sa pagkakaalam ko, maliban sa kanya may isa pang binalak na gawing alipin si Valios kaya lang ay natakasan siya nito. Ang kuya mo. Si Julius Percival Juico. 

Napatuwid ako ng upo ng mabanggit ang pangalan ni kuya. Hindi ako nakapagsalita nagtuloy tuloy si Matthew. 

Wala na akong nabalitaan tungkol sa kapatid mo matapos nyang makatakas kay Valios. Nanatili pa sa poder ni Valios si Earl. Nalaman ko kung san eksakto sa Canaries naroon si Earl. Lahat ng mga nakalap kong impormasyon ay ipinapaalam ko sa contact ko sa GKC. Hindi pa tapos ang imbestigasyon ko ng biglang magsara ang Security and Information Firm na pinapasukan ko sa New York. It turns out, nalaman ni Valios ang tungkol sa pagmamanman namin kay Earl sa Canaries kung kaya't gumawa siya ng paraan upang madissolve ang firm. Agad naman akong inabsorb ng GKC at inilagay sa Special Services Unit nila. Doon ko nakilala si Zerk. Gaya ko, detective din siya ng isang firm sa London. Gaya ko din, na dissolve din ang firm nila dahil sa project na binigay sa kanila ng GKC. Nuong mga panahong yun, nagsisimula ng lumaki ang GKC. Iba't ibang projects sa iba't ibang parte ng mundo ang inaatupag ng kumpanya. Kami naman sa special services unit ang laging nasa likod ng security at information transfers sa loob ng kompanya. Patuloy pa rin ang pagmanman namin kay Valios at kay Earl. 

"Teka, talaga bang wala ng balita kay Kuya?" putol ko kayMatthew.Hindi na ako interesado sa iba pang sasabihin nya. Napako ang interes ko sa kuya ko. Buhay pa siya, kung tama ang hinala ko. 

"Wala na. Hindi ko alam kung dapat kong sabihin ko, pero sa tingin ko, may kinalaman ang kuya mo sa lahat ng nangyayari sa inyo ngayon."dagdag nya.

"Anong ibig mong sabihin?" usisa ko. 

Nagsimula ulit magkwento si Matthew. 

Iba na pala talaga pag nasa loob ka na ng kumpanya. Maraming bagay na hindi mo dapat malaman ang sasambulat sa harap mo. Sa pagtratrabaho ko sa GKC iba't ibang private profiles ang aking nabasa. Pero ang isang pinakamalaking rebelasyon sakin ang pilit kong pinagtatagpi tagpi. So far, sa pagkakaalam ko, ako pa lang ang naka access ng impormasyong yoon. Mahabang salaysay ni Matthew. 

Hindi na ako interesado sa mga sinasabi nya. Ang isip ko ay nakatuon sa kuya ko at sa kung paano ko siya mahahanap. 

"Nakikinig ka ba?" tanong ni Matthew. 

"Ah, eh oo.. Nakikinig naman ako. Anong impormasyon naman yun?"tanong ko. 

Dumukot si Matthew sa bulsa ng kanyang polo at iniluwa niyon ang isang guso't gusot ng papel. 

"Ito ang kopya ng registration ng GKC sa Securities and Exchange Commission." sabi ni Matthew habang unti unting binubuklat and papel. 

Naintriga naman ako kaya lumapit ako upang suriin ang naturang papel. 
Date: March 15, 2007
Registration for: GKC Technologies LLC
Registered by: blah blah blah blah - SEC Officer
Registered under: Julius Percival Juico - Chairman and President
Registry Type: Single Propreitorship
Industry Type: Technology Solutions Provider, Software/HardwareLicences: NTC License No. ********* Series of 2007, Copyright and Trademark Licences under GKC Technologies LLC
Signature: __________________ 

Tutop ko ang bibig matapos basahin ang munting papel. Ang unang pumasok sa isip ko ay pagkamangha. 

"Anong naiisip mo?" tanong ni Matthew. 
"Hindi ko alam, naguguluhan ako" sagot kong litong lito. 
"Gusto kong hanapin ang kuya ko." buong tapang na pahayag ko. 
"Hindi kaya, ikaw ang nahanap nya?" balik tanong nya sakin 
Napatigil ako. Parang matulis na pana ang tanong nyang yun. May point siya. 

"Pakinggan mo ako Rem, teorya pa lang naman ito pero malakas ang kutob ko na totoo." agaw atensyong sabi ni Matthew. 

"Ano yun?" humarap ako sa kanya. Handang makinig ng mabuti. 
"Kelan nawala ang kuya mo?" tanong nya. 
"August 24, 2007. Bakit?" sagot ko. 
"Kung ganun bago pa siya mawala, nairegister na nya ang GKC sa SEC." si Matthew 
"Ganun na nga siguro." sang ayon ko. Nagtaka ako. Paanong makakapag register si kuya ng isang kumpanya gayong sa Jollibee lang siya nagtratrabaho. 
"Kilala ba ng kuya mo si Earl Hudgenzargc?" dagdag tanong ni Matthew. 
"Hindi ko alam, sa tingin ko hindi, kasi international super model at celebrity si Earl, mahirap lang kami." ako 
"Eh may kilala ka bang Ed Jaryll Zamora?" si Matthew. 
"Pamilyar, ahh oo kilala ko yun, siya yung tumalo kay kuya sa Honor Roll nung high school sila. Siya din ang dahilan kung bakit nag drop out si kuya sa kolehiyo at nagdesisyong magtrabaho na lang." ako 
Huminga muna ng malalim si Matthew. 
Si Earl Hudgenzargc at Ed Jaryll Zamora ay iisang tao Rem. 
*Boom* 
Sabog ako! Windang! 
"Paano mo nalaman?" 
"Kasama ako sa nag rescue sa kanya" tipid na sagot ni Matthew. 
"Ha? Natagpuan nyo na siya?" ako 
"Oo may ilang buwan na rin ang nakakaraan. Bago ibinigay sakin ang project tungkol sayo." si Matthew. 
"Project tungkol sakin?" ako 
"Oo" si Matthew. "Pero hindi kasama itong mga nangyayari ngayon sa project" dagdag pa nya. 
"Anong ibig mong sabihin?" usisa ko pa. 
"Two weeks from now, i coconsolidate ang GKC at lahat ng subsidiaries at affiliates nito. At sa araw na iyon, ay ipapakilala ang magiging Chairman and President ng kumpanya, at si Earl Hudgenzargc yun."pagbubunyag ni Matthew. 
"Ha?" takang taka ako. "Eh anong kinalaman ko dun?" naiintriga kong tanong. 
"Ikaw lang naman ang magiging Chief Executive Officer ng GKC."kalmado nyang sagot. 
Isa pang mas malaking *BOOM*

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento