Biyernes, Hulyo 12, 2013

Mga Paru-Parong Ligaw 12


Ninoy Aquino International Airport, Terminal 3

“GKC Private Boeing 737-800 DC-7201, come in...”

“This is GKC DC-7201 Private Aircraft requesting for landing. We are currently at 35000ft. and descending.”

“GKC DC-7201 this is Control Tower, descend to 22000ft. 22 degree east. Landing request cleared. You are given permission to land on lane 7."

“Affirmative. Descending…”

“GKC DC-7201 this is Control Tower. Stay at 22000ft. 22degrees east. We have China Airlines taxi’ing at lane 7 for take off."

“Affirmative, maintaining 22000ft. 22 degrees east”

------------------------------------------------------------------

“Tyang pa-landing na sina Rem, saglit na lang da. Hinihintay lang na makapagtake-off yung China Airlines. Dun na tayo sa hangar. Hindi pwedeng dito dumaan sina Rem. Masyadong maraming press ang nagaabang.” Ika ni Percy kay Tyang Mely habang tulak-tulak ang wheelchair ng huli.

“Ang sosyal ng arrival ni Rem ha! Celebrity” singit ni Diddy.

“Nakatunog yata kasi ang Press tungkol sa consolidation ng GKC” katwiran ni Zerk na nuon ay nasa likod ni Percy.

“Si Earl ba wala pa?” baling ni Percy kay Zerk.

“Hindi daw makakapunta Sir. Maraming press people din ang nag-aabang sa kanya sa baba ng Condo” report ni Zerk.

------------------------------------------------------------------

“GKC DC-7201 you have clearance for landing on lane 7.”

“Affirmative”

“GKC DC-7201 unidentified aircraft seen at 45 degrees to your east do you copy?”

“Copy Control Tower, unidentified aircraft located on radar at 45 degrees east and descending”

“GKC DC-7201 we are trying to contact the unidentified aircraft, please standby”

“GKC DC-7201 unidentified aircraft is not responding, accelerate descent to 10000ft. to prevent collision. I repeat accelerate descent to 10000ft. to avoid collision.”

“Control Tower this is GKC DC-7201 descending at 1000ft./per second.”

“GKCDC-7201 accelerate descent! I repeat accelerate descent. Unidentified aircraft not responding.”

“This is GKC DC-7201 we are at 15000ft. and descending. Unidentified spacecraft at 30 degrees east and descending. We need your guidance. We are not aware of the unidentified spacecraft’s altitude.”

“This is GKC DC-7201 we are at 12000ft. and descending. Unidentified spacecraft at 25 degree east approximately 2500 meters away."

“GKC DC-7201 this is Control Tower, continue descent, unidentified aircraft has been contacted and was advised to standby.”

“Copy”

------------------------------------------------------------------

Pagkababang pagkababa ng eroplano ay natanaw agad ni Rem ang kanyang Tyang, si Diddy at ang kanyang kuya. 

Una niyang nilapitan ang kanyang Tyang na nakaupo sa wheelchair. 

Isang mahigpit na yakap ang kanilang pinagsaluhan. Matapos ay lumuhod siya sa harap ng tiyahin. 

“Tyang, kumusta na kayo? Akala ko ba ay OK na kayo?” maluhaluhang tanong niya.

“Kow! Wag ka ngang magdrama Rembrando! Hindi lang ako pinapayagang maglalakad dahil sa baka bumuka ulit ang tahi ko!” pagpapaliwanag ni Tyang Mely habang hinahaplos haplos ang mukha ni Rem.

Ngumiti si Rem at saka bumaling sa kanyang Kuya. Tumayo siya at saka ito nilapitan. Isang mahinang suntok sa braso ang tinanggap niya mula rito.

“Ang laki mo ng mama ah” wika ni Percy habang ginugulo ang buhok ng nakababatang kapatid.

Hindi na napigilan ni Rem ang maiyak. Agad niyang niyakap si Percy at saka humagulgol.

Walang binitiwang salita. Lahat ay ipinaramdam sa yakap, sa hikbi at sa luha.

Hagod hagod naman ni Percy ang likuran ng nakababatang kapatid. Hindi na rin niya napigilang maluha. Sa galak, at sa pangungulila. Ngayon lahat bumuhos ang ilang taong kasabika niya sa kanyang kapatid.

“Tama na yan at baka mahirapan pa tayo lumabas.” pagsasaway ni Tyang Mely na nadadala na rin sa drama ng magkapatid.

Agad namang tumalima ang dalawa. 

Matapos ang dramahan ay agad hinanap ng mata ni Rem si Matt. Nakita niya ito sa tabi ni Zerk. Nakamasid lamang sa kanila. Nahiya siya sa kanyang inasal. Mamasa masa pa ang kanyang pisngi kaya’t dagli niyang kinuha ang panyo mula sa bulsa at saka pinunasan ang luha.

Iginiya sila ni Zerk patungo sa nakaparadang limousine. Doon sila sasakay nina Tyang Mely, Percy at Diddy. Samantalang sa Camry naman sa likod sina Zerk at Matt. May halos 5 pang Van’s at Pajero’s sa likuran nito na lulan ang mga bodyguards at Special Services agents. Sa unahan naman ay dalawang Expedition na sakay sina General Umali at iba nitong mga tauhan.

Sa daan palabas ng airport ay makikita ang sangkatutak na Press people na nag-aabang sa Arrival area ng Airport. Uugatin sila kahihintay pero wala silang makukuhang scoop dahil nakalabas na ng Airport ang kanilang inaabangan.

Dederetso sila sa bahay ni Percy sa Mandaluyong.

Inabot ng halos isang oras ang byahe mula sa Airport hanggang sa bahay ni Percy sa Mandaluyong. Hindi sapat na bahay ang deskripsyon dito. Mansyon siguro pwede pa. 

Pagpasok ng limousine sa mataas na gate ay sasalubungin ka ng napakagandang Zen garden. May mga Tropical Palms na naka arrange sa gilid ng daan. Napapalibutan naman ito ng iba’t ibang mga halaman tulad ng Jasmin Bonsai, Winged Palmeras, Hawaiian Daisies, Desert Lily at Frangipanis. May mga pailan ilan ding Japanese lanterns ang nakakalat sa hardin. 

Ang pintuan ng mansyon ay gawa sa granite slabs na ipinatong sa mahogany hardwood. Ang sahig ay black marble samantalang ang dingdin ay latex painted concrete. Minimalist ang style ng bahay pagpasok sa loob. Walang masyadong furnitures. Maluwag at maaliwalas ang space. Napapaligiran ang receiving area ng floor to ceiling length na salamin na bahagyang natatakpan ng puting blinds-style curtain. Sa gitna ay nakalatag ang mamahaling Persian Rug na binagayan ng mahogany center table na may flower arrangement sa gitna at nakakalat na assorted business and fashion magazines.

Sa labas ng floor to ceiling length na salamin ay may hardwood walkway na ginawa sa ibabaw ng isang man-made lake. May mga water lilies at freshwater tall grass sa lake. Mayroon namang mga oriental bamboo’s na nasa mga gilid ng lake. 

Iniakyat muna ni Diddy si Tyang Mely sa kanyang silid upang makapagpahinga. Si Rem at Percy naman ay nagtungo sa receiving area upang doon maghuntahan. Hindi nakita ni Rem na pumasok ng mansyon ang sinasakyan nina Matt at Zerk. Marahil ay sa condo ang tuloy ng mga ito.

“Kumusta ka na bunso? Sa tagal nating di nagkita, parang di ka naman tumangkad”pang-aalaska ni Percy.

“Tumangkad naman ako kuya, mga 3 inches nga lang. Kung makapagsalita parang ang tangkad tangkad mo na ah! May pa Percy Percy ka na ngayon ha, dati Jooper ka lang.” ganti naman ni Rem.

“Hahahahaha” malutong na halakhak ni Percy.

Tinabihan nito ang kapatid at saka umakbay.

“Hindi ka pa rin talaga nagbabago ano? Isip-bata ka pa rin!” 

“Wag mong guluhin ang buhok ko Kuya, pinaghirapan ko pa namang ayusin yan”rekalmo ni Rem

“Sus, akala mo naman bagay sa kanya!”

“Namiss kita Kuya!” segway ni Rem

“Namiss din kita bunso” wika ni Percy sabay sandal sa sofa upang pumikit saglit.

“Ready na ang lunch Percy, Rem” maya-maya pa ay tawag ni Diddy.

“Ang Tyang?” usisa naman ni Percy.

“ Naku ang lola mo, na haggard daw kanina, nagpapadala na lang ng mga prutas dun sa kwarto nya” maagap na sagot ni Diddy.

“Didoy, dito ka na nakatira?” tanong ni Rem habang papalapit sa kaibigan.

“Plunging neckline! Simula nung makabalik kami ni Tita from Singapore Wiz na nya ako pinakawalan. The Great Housewife na ang drama ko dito!” sagot ni Diddy.

“Namiss kita Didoy! Namiss ko rin yang Alien Language mo, pero tama ka, nagamit ko nga yang lingo mo” sabay akbay kay Diddy habang papunta sa Dining table.

“I told you so!” sagot ni Diddy.

Hindi pa sila nakakaupo sa dining table ng dumating ang isang bisita. 

Si Earl. 

Natulala si Rem ng makita ito. Hindi sapat ang deskripsyon ni Valios sa kanyang mga kwento. Earl is larger than life. Para siyang isang Greek God na bumaba sa lupa. No wonder, nainlove si Valios ng todo sa lalaking kanyang kaharap ngayon. 

Nagkamay si Earl at Rem. Nagtapikan naman ng braso sina Earl at Percy. Niyaya na din ni Diddy si Earl na kumain. Halatang halata ang hasang ni Diddy ng mga oras nay un, pulang pula, parang may buwanang dalaw. 

“So Rem, handa ka na ba?” pukaw ni Earl sa pagitan ng pagsubo.

Nilunok muna ni Rem ang nginunguya bago nagsalita. Ganoon ang turo ni Madame Boulbaine. 

“Medyo apprehensive pa. Napakalaki kayang responsibilidad ang maging CEO. Ito kasing si Kuya eh, tatatamad tamad.” Sagot ni Rem

“Hindi kasi pagmamanage ng negosyo ang expertise ko bunso, pang technical expertise lang ako” katwiran ni Percy.

“Eh bakit si Earl, pareho lang naman kayo ng course diba?” pagrarason ni Rem

Nagkatinginan ang dalawa. Parang nagtatanungan sa mata.

“Ah naalala ko na, siya nga pala ang talagang mayari ng kumpanya” si Percy ng maalala ang mga kwento ni Val..

“Ano?” magkapanabay na bulalas ng dalawa.

Nagulat naman si Rem sa reaksyon ng dalawa.

“Diba? Kaya gagawing Chairman and President ng GKC si Earl kasi siya talaga ang rightful owner ng kumpanya?” Si Rem

“What are you talking about?” kunot noong tanong ni Earl.

*RING**RING*

Naputol ang akmang pagsagot ni Rem ng mag-ring ang telepono ni Percy.

“O Zerk!”

“Ano? Anong channel?”

“Teka..”

Dali-daling tumakbo si Percy papunta sa entertainment room. Sinundan ito ni Earl. Sumunod na rin si Rem at Diddy. Naiwan ang pagkain sa lamesa.

~Music Queue~

"Nandito po tayo ngayon sa Empire Hotel para sa Press Conference na ipinatawag ni Ginnong Valios Kranekkius. Ayon sa ulat na aming natanggap ay may ia-announce daw itong si Ginoong Kranekkius tungkol sa spekulasyon ng consolidation ng GKC. Heto at magsisimula na ang kanyang speech. Pakinggan po natin."intro ng reporter.

“I sincerely thank the Press People for coming to this press conference.” Umpisa ni Valios sa nanghihinang boses. Nag-iba ang itsura nito. Mukha itong haggard at walang tulog. Kakaiba sa Valios na nakasama niya sa Paris.

“I would like to announce that Helios Shipping Corporation is now a part of the GKC Empire Companies. In addition to that, I would also like to formally endorse the Chairmainship of GKC Empire Companies to Mr. Ed Jaryll Zamora.”

Nagkaingay sa buong silid kung saan ginaganap ang conference. 
Napaupo naman si Percy sa sofa pagkatapos mapanood ang announcement sa TV, si Earl naman ay hindi maipaliwanag ang reaksyon. 

Takang-taka si Rem sa ikinikilos ni Earl at ng kanyang kapatid.

Di yata’t hindi alam ng mga ito ang mga nagaganap. 

Bakit at Paano?

Maya-maya pa’y nagulat na lang siya ng humagulgol si Earl. Itinakip nito ang palad sa mukha at umiyak ng umiyak habang naka-agapay naman dito si Percy.

Nagkatinginan si Rem at Percy. 

------------------------------------------------------------------

“I thought what we have is something worth keeping, or so I thought.”

“It is! I swear, Minahal kita ng buong buo. Mahal pa rin kita. Nothing has changed. I’m still me, the one person who loved you despite your perversion.”

“So sinusumbat mo sakin ang pagiging sex addict ko?”

“I am not! Why are you so closed minded?”

“Because I want you to be just mine. Akin lang.”

“Kelan ba ako naging pag-aari ng iba?”

“Right now! Damn it Matt, your slowly drifting away from me.”

“Imahinasyon mo lang yan. Hindi ako nawawala sayo. You are just hallucinating. Youre blinded by your jealousy!”

“You know im right Matt! You ****in know that I’m right. Youre starting to feel something for him. Admit it! You are falling for Rem, Matt! And hindi mo yun maamin! Dinedeny mo ang isang bagay na pareho nating alam. Hindi ako bulag Matt, at lalong hindi ako manhid. May mata ako at yun ang nakikita ko. Na naiinlove ka na sa kanya.”

“No! No! No! How many times do I have to tell you na hindi ko siya mahal! Ikaw ang mahal ko Zerk. Ikaw ang manhid dahil hindi mo yun nararamdaman.”

“I did not say na mahal mo siya Matt, I said you are falling for him. Ang defensive mo naman. Nahahalata ka tuloy.”

“Zerk, please.”

“Lets call it off Matt. Mahihirapan lang tayo parehas.”

“Ha? Ano to laro lang? Lets call it off, pag ayaw mo na?”

“Please Matt. Just this time. Maging totoo ka sa sarili mo. Kahit di na para sakin, para sa ikakapanatag na lang ng loob mo. Alam kong hindi mo ginusto, na nilalabanan mo, pero sadly, things are the way it is now. Ginusto man natin o hindi. Maybe, its not the time for us, maybe it’s not really us in the end. Sayang lang at yun ang inakala natin, noon.”

“Pano itong condo?”

“Its yours. It always has been. Remember, It was my gift to you when we officialy became partner”

“Paano ka? I mean…”

“Shh, I’ll be okay… ill probably stay in an inn tonight then look for a place tomorrow”

“Ayaw mo na ba akong makasama? Even for the last time?”

“God knows how much I wanted to be with you, to hold you, to feel you… but not tonight Matt. Cause tonight, I need to mourn my death. So that tomorrow, I may live again.”

“Zerk…”

“Bye Matt, see you in my next life.”

Naiwang nakatulala si Matt sa sala ng unit nilang dalawa ni Vergel. Kanina, ng ipaalam niya kay Vergel ang pagpayag niyang maging Executive Assistant ni Rem ay nagwala ito. Naghuramentado. Hindi niya maintindihan kung bakit. Mahal niya si Vergel ngunit mukhang tama ito, nahuhulog na siya kay Rem. Kay Rem na hindi niya sigurado kung ano ang magiging tugon sa kanyang damdamin. 

Nuong una, akala niya ay matatanggap ito ni Vergel. Ngunit nagkamali siya. Humantong pa ito sa pakikipaghiwalay ng kapareha. 

‘Ni hindi man lang niya ako ipaglaban, sana, sana nagmakaawa siyang siya na lang ang mahalin ko, na hindi siya papayag na mainlove ako kay Rem. Na gagawin niya ang lahat para hindi ko tuluyang mahalin si Rem.’ Sabi ng isipan niya.

Hindi na niya napigilan ang kanina pa niya sasabog na damdamin.

“ARGHHH!” sigaw niya sabay suntok sa pader.

“Ouch” react nya pagkatapos.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento