Biyernes, Hulyo 12, 2013

Mga Paru-Parong Ligaw 1

Nasan ako? Hindi ko bahay to! Teka, anong nangyari sakin kagabi? Buhay pa ba ako? tumitining ang utak ko. Salimbayan ang mga gunita sa aking naliliyong katinuan. Ano ang nangyari kagabi? Tang ina, high pa ba ako? High ba ang tawag dito? Bakit ako naririto? Kaninong bahay to? Sinong kasama ko? 

Tol! Gising ka na pala! bungad sakin ng isang lalaking nakatapis ng twalya. Halatang katatapos lang nitong maligo dahil sa basa pa ang buhok nito at humahalimuyak ang after shave cologne scent sa buong kwarto. Put@! sino ang lalaking to? Siya ba si Narcissus? Si Machete? Si Hercules? O si Adonis? Nanatili akong nakanganga. 

Hey! What's wrong tol? Cat got your tounge? Sunod sunod nyang untag sa nagjijigsaw puzzle kong isip.
Puny3t@! Puny3t@! It can't be! Siya of all people? Oh Sh!t! Sh!t Talaga! Napatayo ako, dumausdos ang kumot pababa sa hita ko at nag hello ang aking junior.Crap! burlesk pala ako. Tinalikuran lang nya ako at saka tumuloy sa dresser upang mag ayos. Parang wala lang ang lahat. Alam kong may nangyri kagabi pero anak ng putakti naman, hindi ko maalala. Kanikanina lang humulma sa isip ko kung sino siya. Lintek namang buhay to, pag pinaglalaruan ka nga naman ng tadhana. Dali dali kong hinagilap ang mga saplot ko na nagkalat sa sahig. Saka dali daling tinungo ng bathroom para magbihis. 

Dagli akong umupo sa bowl at pinakiramdaman ang aking pangupo. Sh!t! Sh!t Talaga! Pero bakit parang wala akong naramdamang kakaiba. Singkipot pa rin sya ng dati. Takte Talaga! bulong ko ulit sa isip ko. Saka ko na hahalughugin ang utak ko pag medyo tumino na ako. Dali dali akong nagbihis at paglabas ko ng bathroom ay nakita ko siyang nakatapis pa rin at nakatayo sa may veranda at nag sisigarilyo. 

Kakaibang tanawin ang nasa dako pa roon. Hindi pamilyar. Freak out ang utak ko. Nasan ako? Nasan ako? Sana may sumagot sa piping bulong ng isip ko. Nasan ako? 

------------------------------------------------------------------


Maghapon ka na namang nagbabad sa kompyuteran na bata ka! Aba'y inuubos mo ang baon mo sa kalalaro nyang punyetang Counter Strike na yan ah! Naguusok na naman ang ilong ni Tyang Mely. 

"Tyang DOTA po hindi counter. Laos na yun! balik ko naman sa kanya. 

Napatigil saglit ang tiyang, "DOTA ba kamo? At anu na iyon ha? Barilan at putukan din?" "Ku parepareho lang iyon, sa bandang huli ay maadik at maadik ka rin!" 

Nagkibit balikat na lang ako at dumiretso na sa kwarto namin ni Kuya Jooper. 
Hmmm... bakit kaya hanggang ngayon ay wala pa ang kuyang? tanong ko sa isip ko. 

Grabe namang overtime yun, mahigit 24 hours. 

Dinukot ko ang 3310 na balot ng goma at scotch tape mula sa bulsa. Wala ding text. Aba't nakalimot na yata. Hays! 

Nag empty text ako sa 222. Reply: May piso ka pa. Sakto! 

Agad kong tinext si kuya: 

Woist! kuya san ka na? magparamdam ka naman. gutom na ako.!! nag wewelga na ang mga bulate ko. txtbk asap.!

Message Sent! 

Sabay plakda sa kama. 

Blag! 

Anak ng... di pala ganun kakapal ang foam ng katre. Buset! Sakit sa katawan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento