Biyernes, Hulyo 12, 2013

Mga Paru-Parong Ligaw 13


“Patulong nga ako dito sa butones” pakisaup ni Rem sa kanyang Fashion Assistant na agad naman tumalima. 

Kasalukuyan siyang nagbibihis para sa Anniversary Expo. 

Matapos ayusin ang sleeves ay pinatungan ito ng black tux. 

Habang inaayos ng kanyang fashion assistant ang tux ay dumating si Diddy bitbit ang isang basong malamig na tubig.

“Rembrandt andito na yung…” natigalgal si Diddy.

Nilingon ito ni Rem. Saka nginitian.

“Gwapong gwapo ba?” may alinlangang tanong niya sa kaibigan.

“Oo naman! Bongga!” may tili pang tugon nito sa kanya.

“Siguradong maraming mahuhumaling sayong bebot mamaya, tapos mapi-feature ka sa mga magazine bilang most eligible bachelor kasama ni Earl” nangangarap pang dagdag nito.

“Ibang klase din ang imagination mo Didoy ah!” saway naman dito ni Rem.

“Basta sa Lunes ha, Secretary na kita, hindi mayordama ng bahay ni Kuya!”pagkukumpirma pa niya.

“Yes bossing Sungit!” pang-aasar naman nito sa kanya.

Mag aalas-sais na ng dumating si Rem sa International Trade Center.Inabutanpa niyang nagbibigay ng last minute instructions si Gen. Umali. Hinanap ng kanyang mga mata si Matt. Laking gulat niya ng makitang hindi nito kasama si Zerk. Tumingin din ito sa kanya at ngumiti. Gusto sana niya itong lapitan pero natorpe siya. Pumasok na lang siya sa ng trade Center. Dumeretso siya sa restroom dahil nakaramdam siya ng panunubig. 

Pagbukas ng pintuan ay malakas na kalabog ang sumalubong sa kanya. Parang may taong isinalya sa kahoy na divider. Sumilip siya sa loob. Ang kanyang Kuya Percy nakatalikod habang kinukuwelyuhan si Val na nakasalya sa dingding ng cubicle.

“Damn it Val! Paano mo nagawa samin yun. Pinagkatiwalaan kita, minahal ka ni Earl. Pero nagawa mo kaming ipadukot. At pinagsamantalahan mo ang kahinaan ni Earl.”

Hindi umimik si Val.

“Hindi ko na sana ipingakatiwala sayo si Earl! Hayup ka!” isang sapak ang lumanding sa panga ni Val. Lupasay ito sa sahig. Nanatili lamang itong tahimik habang hawak hawak ang nasapol na kaliwang panga.

“Sumagot ka Val!” sugod ni Percy. Pulang pula ito sa galit.Nagiigtiing mga ugat sa leeg at kuyom kuyom ang palad.

“I’m Sorry Perce. I did’nt mean to. I needed to do it.” Mahinang usal ni Val.

“Then give me a fukkin reason why you needed to do it” bulyaw ulit ni Percy.

Naisipan ng mamagitan ni Rem.

“Kuya, that’s enough.” Putol niya.

“This guy has lots of explaining to do Rem” wika ni Percy.

Hindi pa rin umiimik si Val.

Napikon ulit si Percy, isa na namang suntok ang pinakawalan nito. Sapol sa ilong si Val. Pakiwari ni Rem ay nahilo ito sa tinamong suntok. Sumandal ito sa pader at yumukyok. Umagos ang dugo mula sa ilong nito. 

“I trusted you Val. I thought you love Earl. But I was wrong. You took advantage of us. Pina-ibig mo si Earl then you left him. 1 month Val, yun ang pangako mo. Yun din ang pangakong pinanghawakan ni Earl. Everyday after you left, kalbaryo ang naging buhay niya, at ang pagbabalik mo ang tanging pag-asa nya. Pero buwan ang lumipas, hanggang naging taon, pero walang Val na nagpakita.”

“I know Percy, you don’t have to rub it in further”

“Bakit nasasaktan ka? Eh gag0 ka pala eh.” Akmang susuntukin ulit ni Percy si Val ng biglang…

“Stop Percy!” pigil ni Earl.

Napalingon si Rem at Percy, nag-angat naman ng ulo si Val.

Agad na nilapitan ni Earl si Val. Iniangat nya ang mukha nito at pinunasan ng panyo ang nagdurugong ilong ni Val saka humikbi. 

“Nothing happened in the Canaries Percy. Feed info ang nakuha nina Matt at Zerk. I dunno kung saan nanggaling. I was just imprisoned in the Island with him. And, with you sana kaso you ran away” usal ni Earl pagkatapos.

“Ano?” gulat na sagot ni Percy.

“Believe it Perce, its true” singit ni Val.

“Ikaw naman, bakit ngayon ka lang bumalik?” sumbat naman ni Earl kay Val.

“I have my own reasons Earl, forgive me” hinging paumanhin ni Val.

“And you don’t want to share it?” pagmamaktol ni Earl habang nagpupunas ng luha.

Mukhang OK na sila, isip isip ni Rem.

Agad namang ipinaalala ng pantog niya kung bakit siya naroroon in the fist place. Pumasok siya sa isang cubicle para umihi habang nagaayos naman ng damit si Val at Percy. Si Earl naman ay naghihilamos sa sink.

“Pasensya na Val ha” hinging paumanhin ni Percy.

“Its ok. I understand. Lumabas lang ang fraternal side mo” sagot ni Val habang sapo sapo pa rin ang ilong.

“Nabasag mo ata ilong ko Perce” biro pa nito.

Nagkatawanan pa ang tatlo.

“Hoy Bunso, isang Dam ba yang nilalabas mo dyan ha? Aba! hinay hinay at baka bumaha dito!” tawag ni Percy kay Rem.

“Umurong kasi kanina, ibang klase din kasi ang drama nyo! Realistic.” kantyaw naman ni Rem.

Inayos muna niya ang damit bago lumabas ng cubicle.

“Nga pala Bunso, si Val, siya yung kinukwento ko sayong kaibigan ko na dahilan kung bakit lagi akong may uwing pagkain noon.” Pagpapakilala ni Perce kay Val.

“We’ve met already.” Nakangising tugon ni Val sabay akbay kay Rem.

“You did? Where?” singit ni Earl.

“In Paris” si Rem sabay tapik sa balikat ni Val.

“Kaya nga alam ko na na ikaw ang magiging Chairman ng GKC” dagdag ni Rem.

“So that explains it” tatango-tangong sagot ni Earl habang palabas sila ng restroom

“Paano mo nagawang ilihim samin na ikaw ang Chairman ng GKC Val?" Tanong Earl pagkaupong pagkaupo nila sa lamesang nakalaan sa kanila.

Nagtinginan si Val at Percy. 

“Ikaw lang ang di nakakaalam Earl, and of course si Rem din” sagot ni Percy.

“What? Pati ikaw? Alam mo? Ang daya niyo talaga!” si Earl

“Yeah, and we agreed to hide it from you until this day. No one else knows before this morning” pagpapaliwanag ni Val.

“Percy and I decided that since you were the one who completed the project, this company is ought to be yours” dagdag pa niyo.

“Hindi ako makapapayag dyan! Kaya ko nga iniwan kay Percy yan nung magmigrate kami kasi siya ang may-ari ng ideang yan eh. Ako lang ang tumapos. Naginarte kasi”depensa ni Earl.

“Ewan ko ba dito kay Val, samantalang pera naman niya ang ginamit na start-up capital” iiling iling na tugon naman ni Percy.

“Bakit hindi na lang tripatriate?” singit ni Rem

“Ano yun?” sabay na usisa ng tatlo.

“Yung kayong tatlo ang may-ari” paliwanag ni Rem. 

“Oo nga, pwede naman yun eh.” Sang-ayon nina Val at Earl.

“Ah basta, bahala kayo basta starting tonight, ikaw na ang Chairman Earl, kami ni Percy ay sa board na lang, o sa tripatriate kung ano man yun.” Giit ni Val.

“Hay naku, pag napagitnaan ka talaga ng dalawang barako, wala kang takas”pagpayag ni Earl sabay tawa.

Nakitawa ni rin si Rem.

Hindi naglaon ay nagsimula ng magsidatingan ang iba pang members ng board, maging ang mga director at VP’s ng ibat ibang department Naging abala si Rem sa pakikipagkilala sa mga ito. Pero isang partikular ng tao tumatak sa kanya.

“Rembrandt, this is Candice Gatchalian, our Senior Vice-President for Technologies. Ms. Gatchalian, my younger brother, Rembrandt Juico” pagpapakilala sa kanila ni Percy.

“My pleasure to meet you Mr. Juico” nakangiting bati ni Candice sa 
kanya.

“The pleasure is mine Ms.. err Candice. I hope it’s ok that I address you with your first name” si Rem habang nakikipagkakamay kay Candice. 

Anu ba yun? Kamay ba ng babae yun? Bulong ng isip ni Rem. Mas malambot pa yata ang talampakan ko kesa sa kamay ng babaeng ito.

Nakahalata siguro si Candice kung kaya’t agad itong bumitiw sa pakikipagkamay. Pagkatapos ay agad nagyuko ng ulo at nag paalam na kukuha ng makakain. Dinedma na lang ito ni Rem at nagpatuloy sa pakikipagkilala sa iba pang mga tauhan.

Napakarami palang SVP’s ng kumpanya. Mayroon para sa Finance, sa Marketing, sa Development, sa Operations, sa Technologies at kung ano ano pa. Nakilala rin niya ang iba’t ibang Director ng mga subsidiaries ng GKC.

Maya-maya pa ay tinawag na ang atensyon ng mga dumalo at saka pinatay ang ilaw. Isang spotlight ang naiwang bukas at natutok sa isang lalaki sa entablado. Ang kanyang kuya. Si Percy.

“Good Evening!” bati nito sa crowd.

Umugong ang kanya-kanyang bati ng mga naroroon.

“Tonight, we celebrate our fourth year in business” panimula nito. Palakapakan ang mga tao.

“And I would like to share with you, our friends, the milestones we’eve achieved..”

Palakpakan.

“The performance we’ve delivered”

Palakpakan.

“And the success we’ve made”

Mas masigabong palakpakan.

Kasabay ng speech ni Percy at manaka-nakang masigabong palakpakan ng mga tao ay ang pagkilos ng isang tao. Isang eksperto sa kanyang larangan. He made his way into the crowd and comfortably sat about 25 meters from the stage.

“And that our friends is how GKC Powered our Future.” Pagtatapos ni Percy”

Standing ovation ang sumunod. Hindi magkamayaw ang mga tao sa palakpakan. Sinabayan ito ng malakas ng Music.

“And now ladies and gentlemen, let us welcome Ms. Candice Gatchalian, our Senior Vice-President for Technologies to officially open this years Exposition.”Pagpapakilala ng voice over.

“A pleasant evening to everyone and welcome to GKC’s Fourth Year Anniversary Exposition. This year, aside from the exposition, GKC has lots of things in store for you, our friends and most of all to our loyal consumer base.To kick off this year’s exposition I would like to introduce first, Mr. Valios Kranekkius our current Chairman and President for a very special announcement.” 

“As many of you have witnessed this morning, I have formally announced that I will be endorsing the Chairmanship to Mr. Ed Jaryll Zamora effective today. Now, I heard from my sources.. And If I may add, very reliable sources… “

Tawanan ang mga tao.

“Yes, reliable indeed. Where was I? Oh yeah, I’ve heard that this certain Ed Jaryll Zamora is a never-heard-of name. “

Katahimikan.

“So, ill take your silence as a Yes.”

Tawanan ulit.

Tumigil si Valios. Tumigil din ang tawanan.

“Why do you guys only have 2 reactions? Laughing and not laughing. Am I that funny?” punchline nya.

Nakitawa na rin si Rem sa crowd. Charming nga talaga itong si Valios. Tumingin si Rem kay Earl at halatang proud na proud ito habang pinapanood si Val. Nakangiti din ito. Nagniningning ang mata.

“Alright, I get it.”

Tawanan pa ng mas malakas. May ilang pumalakpak na sinundan ng iba hanggang sa lahat na.

“Now, as I was saying..”

Katahimikan.

“Tonight, I would like to introduce to you, the next Chairman & President of GKC.”

Bulungan ang mga tao.

“He is a dear friend of mine, a visionary person. He developed the Core of GKC - the multi-modal base stations. He also was, the one who modeled and implemented the Octagonal Frequency Division Multiple Access technology last year. Our engineer and the think tank of GKC, Mr. Ed Jaryll Zamora, or, as you know him, Earl Hudgenzargc!”

*Gasp* 

Sabay sabay nahigit ng mga tao ang kanilang hiniga, kasunod ay nakabibinging palakpakan. Sunod sunod ang flash ng mga press camera’s habang umaakyat si Earl sa entablado. Paglapit kay Valios aya agad itong nakipagtapikan ng balikat. 

*BANG!**BANG!**BANG!*

Isa, dalawa, tatlong putok ang umalingawngaw.

“EEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE” tili ng mga kababaihan.

Kanya kanyang takbo ang mga tao. Chaos.

Agad tinakbo ni Rem ang entablado. Halos sabay silang dumating ni Percy.

Si Valios at Earl, magkayakap sa entablado. Nagkalat ang talsik ng dugo sa sahig.

Sh1t! Sh1t! bulong ng utak ni Rem.

Sa isang iglap andun din agad sina Matt at Zerk.

“Si Val, si Val… tulungan nyo ako, si Val” humahagulgol na sigaw ni Earl.

Dumating ang stretcher, agad isinakay dito si Val at saka binuhat. Sumunod dito sina Percy, Candice, Earl, Rem, Zerk at Matt.

Dinala ito sa chooper at agad isinakay. 

“Val, God, My God!, Please, Not now…” hagulgol ni Earl habang nakayakap kay Percy.

“Shhh.. Shhh..”
 pag-aalo naman dito ni Percy. Nakatiim-bagang ito. Nagngangalit ang mga ugat sa leeg. Galit na galit. Nanginginig naman ang duguang kamay ni Candice. Si Matt at Zerk ay kapwa nasa telepono. Palakad-lakad. Magkasalisi.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento