Biyernes, Hulyo 12, 2013

Mga Paru-Parong Ligaw 14


Katatapos lang maligo ni Earl. Nagpupunas pa siya ng ulo ng lumabas ng banyo upang dumeretso sa dresser ng may maapakan siyang malambot.

“I love you” naulinigan nya.

Napatigil siya nag-angat paa. Tumambad sa kanya ang nakabalot na Pikachu. Marahil ay nalaglag ito mula sa tukador kung saan ito nakadisplay kasama ang iba pa nitong mga kauri. 

Pinulot ni Earl ang stuffed toy, sinuri, at saka pinisil.

“I love you” ulit nito.

Nangilid ang luha sa mga mata ni Earl. Inulit-ulit nyang pisilin ang Pikachu. Paulit ulit din ito sa pagsasabi ng “I love you”.
Inihagis ni Earl ang tuwalya at inisa-isa ang mga nakadisplay pang Pikachu sa tokador.

“I love you”, “I love you”, “I love you”

Tatlo, Sampu, Tatlumpo, Limampu.

Nagkalat ang mga Pikachu sa sahig, at sa kama. Walang naiwan sa tukador. Bawat isa, nag a-I love you.

Isandaang I love you. Isandaang stuffed toy. Isa sa bawat araw. 

Isa-isa ring nag-play sa kanyang balintataw ang isandaang araw. 

Wala ni isang “I love you”, sa pagkakatanda niya. Hindi siya masalitang tao. Ang akala niya, mas mahalaga ang gawa kesa salita. Mali pala, meron palang salita at gawa, nahuli nga lamang ang salita, kung kelan wala ng gagawa.

Male-late na siya pero mag pinili niyang tumunganga, lumuha ng lumuha. Tatlong buwan na rin simula ng huli niyang maramdaman ang agos ang luha sa kanyang pisngi, bitbit ang mga ngiting iniukit tabing ng alaala

***************************************************

“Good Morning Matt!” bungad ni Diddy kay Matt pag dating nito.

“Naku yung secret admirer mo, walang humpay sa panunuyo sayo. Hayan at may flowers ka na naman.” 

Binasa ni Matt ang card na kalakip ng bouqet. 

It reads: Hi Handsome! These flowers are beautiful but not as beautiful as you. – YPVD

Matapos basahin ay iniabot niya ito kay Diddy.

“Anu to?” nagtatakang tanong ni Diddy.

“Bahala ka na” wala sa loob na sabi ni Matt sabay salampak sa desk. 

“Anong akala mo sa beauty ko? Flower Vase?” reklamo ni Diddy.

“Anong meron at ang aga aga ay pumuputak ka dya Diddy?” ani Rem na kakapasok lang sa pinto.

“Ito kasing si Matt!” pagsusumbong ni Diddy.

“Uy flowers! May suitor ka Diddy?” biro ni Rem sa kaibigan/secretary niya.

“Kay Matt ito. Dun galing sa secret admirer nyang may-ari ata ng flower farm”komento ni Diddy habang inaamoy-amoy ang flowers.

Humarap si Matt sa dalawa.

“Ang korni kasi, flowers araw-araw. Ni hindi pa nga nalalanta yung bigay niya kahapon” sabay turo sa flower arrangement na nasa table pa nito.

“Baka naman balak gawing botanical garden ang opisina ko” komento ni Rem sabay talikod papasok ng opisina nito.

Maya-maya pa ay…

“Diddy!” sigaw nito mula sa loob.

Agad namang tumayo si Diddy at pumasok sa office ng amo niya.

“Yes Sungit?” pabiro nitong sagot sa kaibigan niya na boss nya at the same time.

“Nasaan yung folder na iniwan ko dito kagabi? Niligpit mo ba?” usisa nito habang panay ang buklat sa mga folders na nakapatong sa lamesa nito.

“Ay wit ako. Baka si Matt, teka tanungin ko” sabay talikod 

Naiwan namang laglag ang panga ni Rem.

Maya-maya pa ay pumasok si Matt. 

“May hinahanap ka daw na folder?” tanong nito.

“Ah.. eh.. Oo, iniwan ko lang dito sa mesa kagabi. Nagligpit ka ba?” sagot ni Rem na hindi mapakali.

“Oo, yung mga nakakalat dyan kagabi eh, sinalansan ko at nilagay dito sa filing cabinet.” sagot ni Matt habang binubuksan ang filing cabinet.

“Binuklat mo ba yung mga folders?” may pag-aalalang tanong ni Rem.

“Hindi eh, nagmamadali din kasi akong umuwi kagabi” tugon naman nito.

“Ito ba ang hinahanap mo Sungit?” putol ni Diddy na kapapasok lang at bitbit ang brown folder.

“Put that on my desk right now Diddy! At wag na wag mong bubuksan!” napalakas na utos ni Rem.

“Ok, Ok, relax lang! Eto na oh, ibaba na! Ayan nakababa na” si Diddy.

Nakatulala naman si Matt.


“Sumasabog ba yan pag binuklat?”
 tanong pa ni Diddy.

“its none of your business” bulyaw naman ni Rem.

“Sabi ko nga eexit na kami ni Matt eh, diba Matt?” baling nito sa kasama.

“Mag susuper saiyan 5 ka na naman eh” pabulong pang habol nito.

Hindi na lang pinansin ni Rem ang huling salita ni Diddy. Hindi naman talaga siya galit. Nag galitgalitan lang siya para hindi mabuking ang lihim ng kanyang folder. Hindi kasi company files yun. Isa yung top secret! TOP SECRET!

***************************************************

“The frequency division has been set by the regulatory bodies na, but we have to still test the implementation on the OFDMA set-up.” Ani Candice.

Kasalukuyan silang nasa Conference Room para sa isang emergency meeting. Inapprove na kasi ng IEEE ang TDD-VoLTE technology na sinubmit ng kalaban nilang kumpanya samantalng ang OFDMA technology nila ay half cooked pa rin. Hindi kasi inallow ng IEEE ang requirement nitong 80MHz contiguous spectrum.

“How soon can we fix this?” demand ni Rem.

“We don’t have a definite timeframe Sir! It could take weeks, even months to fix this. Mas mapapadali sana kung spectrum splicing lang ang kailangang gawin kaya lang sasabit tayo sa interference at mawawalan ng saysay yung halos 50% ng signal” sagot ng Lead Research Developer nila.

“Ano ba talaga ang problema?” singit ni Diddy.

Lahat ay napatingin sa kanya.

“Ah… eh…, hindi kasi pinayagan ng IEEE ang 80MHz contiguous spectrum” sagot ni Candice. Parang nagaalinlangan.

Hinayaan lang ito ni Rem. Maging si Matt ay tahimik lang.

“Given na yun, teh! Kasasabi mo lang kanina. Unli ka? What I’m trying to ask is, bakit ayaw i- allow ng IEEE?” si Diddy.

“Its because its contiguous. Isa pa, wala kasing current carrier, except tayo na may hawak ng 80Mhz contiguous spectrum on the lower bands. Meron man, lahat ay 2100 bands pataas.” Paliwanag ni Candice.

“Eh bakit kailangan ng 80Mhz contiguous spectrum?” si Diddy ulit.

“Eh bakit ka ba sumasali? May alam ka ba dito?” pagtataray ni Candice.

Napaupo ng tuwid si Rem. Nalaglag ang salamin ng VP for 
Operations. Napanganga ang Lead of Research & Development. Napakapit sa armchair si Matt.

“You see Ms. Gatchalian, the 80Mhz contiguous spectrum is ********. It was part of the requirement just so, once the technology is approved, only GKC can use it. Because as you’ve mentioned, no other carrier in the world owns this chunk of spectrum on the lower bands. However, the Octagonal Frequency Division Multiple Access technology is not designed for such. I would agree that technologically speaking, it is an advantage to broadcast the signals in a 40x40 configuration on a dedicated 80Mhz contiguous spectrum however, OFDMA is designed for maximum flexibility. We can have scattered spectrums but still be able to broadcast the signal and get outstanding results. I should know because I and Earl drafted the original patent request. Now if you may proceed, what were you suggesting a while ago?”taas kilay na sagot ni Diddy.

Katahimikan.

“So Rem, I would suggest we stick to the original patent request and take the 80Mhz off the requirements list. In that way, we will get IEEE approval and be able to sell the technology in the market. But of course, since we have the means, we will launch the service in its most efficient way. Am I correct Ms. Gatchalian?”suhestiyon ni Diddy matapos hindi sumagot si Candice.

“Yes!” Nakayukong tugon ng huli.

Malapad ang ngiti ni Diddy.

“Anything you might want to add Ms. Gatchalian?” usisa ni Rem.

“No Sir!. Its just that the original plan for IEEE approval was drafted by Mr. Kranekkius. So, I thought that we are pushing it the way it should be. I’m Sorry”hinging paumanhin nito.

“Girl, he is now a memory. So, move on. Ok!” pasok na Diddy.

***************************************************

Matapos ang meeting ay nagyaya si Rem na maghapunan sila sa restaurant sa tapat ng building. Tumanggi naman ang Lead Research Developer dahil hinihintay na daw ito ng asawa ang iba naman ay may kanya-kanyang dahilan. Tanging silang tatlo nina Matt at Diddy lang available.

“Mauna na kayo dun may aayusin lang ako sa office” utos ni Rem sa dalawa.

“Sir Sungit, wala kaming pambayad. Baka mamaya stir-rin mo kami!” si Diddy.

“Eh di maghuhugas na lang kayo ng mga pinggan at kaldero” sagot naman ni Rem.

“Tara na nga Diddy. Itatago pa niya yung folder nya. Baka daw buksan natin eh”singit ni Matt.

Ang sama ng tingin ni Rem kay Matt.

“Halika na Matt, magsusuper saiyan na naman yan!” yaya ni Diddy at hinila si Matt palabas ng opisina.

Nang makaalis ang dalawa ay sinilip pa itong muli ni Rem saka isinarado ang pintuan. Ikinandado pa niya ito bago bumalik sa table at binuklat ang pinakaiingatang folder. Matapos pasadahan ang laman ng folder ay may isinulat siya dito saka itinago nya ito sa ilalim ng mga files nya sa drawer bago ikinandado. Tatlong ulit pa nyang sinubukang buksan ang drawer at ng masiguradong sarado na ito ay saka tumayo para lumabas.

Pagbukas niya ng pintuan ay dalawang katawan ang nawalan ng balanse at sumubsob sa paanan niya. Si Matt at Diddy.

“Anong ginagawa nyo sa pintuan?” bulyaw ni Rem.

“Ah eh wala, susundin ka sana namin” pagsisinungaling ni Matt.

“Ang tagal mo kasi” reklamo naman ni Diddy.

“Ang sabihin nyo nageespiya kayo!” pagpapalatak pang lalo ni Rem sabay hakbang para tunguhin ang elevator. 

Dali-dali namang sumunod sa kanya ang dalawa. Kapwa nagpapagpag pa ng mga damit.

***************************************************

“Anu ba kasi ang laman nung folder na yun?” pangungulit ni Matt.

“Wala nga sabi. None of your business” pagkakakila naman ni Rem

Kasalukuyan silang kumakain sa Tong Yang.

“Eh bakit nililihim mo?” si Diddy naman ang nangulit. 

“Personal File iyon OK. P-E-R-S-O-N-A-L! Gets?” pagtataray ni Rem.

“Hay naku Matt, kahit anong piga natin dito sa Boss nating masungit, wala tayong mahihita dito” sumusukong pahayag ni Diddy.

“Maiba ako, ang galing mo dun sa sagot mo kanina Diddy ha, nabara mo si SVP Gatchalian” pagiiba ni Rem ng usapan.

“Huh, ako pa, hindi ako basta sasabat ng wala akong itinatagong bala” pagmamalaki ni Diddy.

“ECE ka rin ba?” usisa ni Matt.


“Wit, high school graduate lang ako” 
walang kyemeng sagot ni Diddy.

“Weh?” panabay na reaksyon Ni Matt at Rem.

“I swear!” si Diddy na animo’y nanunumpa.

“Malawak lang talaga ang kaalaman ko” dagdag na nito.

“Oo na! Naniniwala na kami. Teka, ikaw naman Matt, kumusta naman kayo ni…" di na naituloy ni Rem ang sasabihin ng may makitang pumasok.

“Speaking of…”

Kumunot ang noo ni Matt.

Nilingon niya ang pumasok. Si Zerk at Candice. Naka-abrisiete pa si Candice sa braso ni Zerk. Nilapitan ang mga ito ng floor manager at saka iginiya sa table na nakareserve para sa mga ito.

“I guess nasagot na ang dapat na tanong ko” si Rem.

“Oh Em Gee! Bruhang iyon! Gusto mo ingudngod ko sa plato?” pahayag ni Diddy.

“Anu ka ba Diddy. Hindi ka naman dating bayolente ah?” pagsasaway ni Matt.

“Pag nakikita ko ang babaeng yon, nagiging mala Xena ang aura ko!” inis pa ring sagot ni Diddy.

“Hayaan mo na” si Matt.

“Hay naku Papa Matt, hahayaan mo na lang bang agawin ng mangkukulam na yun si Zerk?” pangungulit pa ni Diddy.

“Hindi naman niya inagaw eh, ipinamigay ko” tugon ni Matt.

“Ha? Bakit? Nagsawa ka na ba sa kamachohan nya?” mulaga ang matang usisa ni Diddy.

“Diddy talaga kahit kelan tsismosa!” puna ni Rem.

“Nope, I have fallen with someone else kasi” pag-amin ni Matt.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento